Advertisers
Tila nakuha sa hilot ang paghirang kay Lt.General Camilo Cascolan para maging kapalit ng nagretirong mistah nito na si Gen, Archie Gamboa.
Ang orihinal kasing choice ni Pangulong Rodrigo Duterte ayon sa ating mga sources ay si Lt.Gen.Guillermo Eleazar, ang number 3 man ng PNP at Deputy Director for Operations ng pambansang kapulisan at kasalukuyang commander ng TASK FORCE COVID SHIELD.
Mismong sina senator Bong Go at Ronald Bato dela Rosa, classmate ni Cascolan sa PMA Sinagtala Class of 1986 ang nakiusap umano sa Pangulong Duterte na pagbigyan ng mamuno ng PNP si Cascolan na magreretiro naman umano ngayong buwan ng Nobyembre, kung susumahin pala ‘accomodation’ itong masasabi out of respect sa seniority aspect sa PNP.
Kumbaga, pa~consuelo de bobo wag lang masabi na na bypass ang isang senior PNP officer.
Actually wala naman talagang big deal dito sa appointment ni Cascolan na makailang beses na ring naunsiyami na maupo sa mas sensitibong posisyon sa panahon ni dela Rosa at Gen.Oscar Albayalde noong PNP chief pa kapwa ang dalawa.
Palagay ng marami, bumabawi sa kanyang mga mistah si senator dela Rosa makaraang personal nitong iendorso sa Pangulong Duterte si Albayalde kesa ang mga classmates nito na si Gamboa at Cascolan noong magretiro ito bilang chief PNP.
Pumalpak si Albayde at napuwersang magresign matapos masabit sa isyu ng ninja cops.
Sa pananaw natin, natuto si dela Rosa sa mga nangyari.
After that, mistah na nito ang naging PNP chief na si Gamboa. next to Gamboa is another classmate na si Cascolan nga na kahit limitado na ang magagawa sa PNP dahil gahol at kulang na sa panahon dahil sa nakatakdang pagreretiro ay pinagbigyan na rin.
Minsan kasi, yang pag iendorso ay mas madalas nakakaperwisyo kesa nakakatulong.
Yan talagang kultura ng pagbulong bulong ay sadyang di maganda. porke mistah ay iiendorso na sa halip na merito at performance ang isinasaalang~alang.
Mabait din talaga ang Pangulong Duterte at matiyaga pa rin nitong pinagbibigyan ang mga bulong ng mga taong nakapaligid sa kanya kahit obvious naman na ang mga ito ay nagbibida~bidahan.
Sagrado tayong taga~suporta ng Pangulong Duterte pero napupuna na natin na dumarami na ang mga talipandas na bubuyog na umaaligid sa Presidente.
Minsan pa nga nagkakaroon ng paksyon na nagsusulong ng kani~kanilang personal na interes.
Sila sila na rin mismo ang ang nagkakairingan at nagsisiraan.
Going back sa liderato ng kapulisan, posible kasing mademoralize ang mga masisipag at magagaling na opisyal na di nabibilang sa isang grupo o batch.
Marapat lamang na i~focus na ng PNP leadership at ng gobyerno sa merits at performance ang ano mang promotions at appointments na gagawin at ipagkakaloob.
Taong bayan po kasi ang nadadaya sa sistemang palakasan.
Nawa’y huli na ito at wag na nating kasanayan pa ang bulok na sistemang ito.
Hayaan na natin ang Pangulong Duterte na makapili ng mga taong napupusuan nito na makakatulong sa tao.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com