Advertisers

Advertisers

Xavier Palomares Garcia wish muling makatrabaho si Coco Martin

0 426

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ANG actor at talent manager na si Xavier Palomares Garcia ay wish muling makatrabaho si Coco Martin sa Ang Probinsyano.

Minsan na siyang naging bahagi ng top rating TV series,  noong 2018 na lumabas siya bilang isa sa tauhan ni Joross Gamboa.



Nabanggit ni Xavier na kahit maliit na role lang ito, pero memorable raw sa kanya ang naibigay na pagkakataon sa kanya.

Aniya, “Kasi una sa lahat, nakaka-excite na makikita natin lahat ang iniidolo nating artista dahil kahanga-hanga ang angkin at galing nila sa pag-aarte, lalo na sa mga mabibigat na eksena.

“Plus, Coco Martin kasi ang bida rito na idol na idol talaga ng marami nating kababayan, at top rating talaga ang show niyang Ang Probinsyano.”

Kabilang sa nagawa niyang pelikula ang Tombstone Pillow directed by Daniel Lir, Parola, directed by Francis Jun Posadas, at iba pa.

Sinu-sino ang kanyang mga talents?  “Ang mga talents ko ay sina Joshua Benedicto, Redge Berosil, at Emmanuel Rivera.



“Si Joshua ay nag-lead na sa BL series na Sin The Movie, same lang sila nina Redge at Emmanuel.”

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang career bilang aktor at talent manager?

“Ang wish ko ngayong taong 2022 ay makabalik agad sa showbiz industry sa pag-arte at mabigyan ng magandang project ang mga talents na hawak ko.

“Gusto ko rin sanang mai-promote sila lahat, bukod pa riyan may nais akong tulungan na isang kid na magaling mag-rap, at child actor na si James Ezekiel Ignacio dahil sa kanyang pangarap sa showbiz, at dream niyang makasama si Coco Martin sa Ang Probinsyano,” pahayag pa ni Xavier.