Advertisers

Advertisers

2 motor nagsalpukan: Angkas todas, 2 sugatan

0 237

Advertisers

PATAY ang isang backrider at sugatan ang dalawang iba pa nang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway ng San Juan, Batangas noong Sabado ng madaling araw, unang araw ng Bagong Taon.

Kinilala ang nasawi na si John Rey Quizada, 20 anyos.

Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang mga nasugatang sina Jerson Abrillo, 20, driver ng motorsiklo; at ang nakabanggaan nitong si John Englebert Correo, 21.



Sa ulat ng Batangas Police, nangyari ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Brgy. Abung 2:15 ng madaling araw. Kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang motorsiklo ni Abrillo nang makasalpukan nito si Correo na kaangkas si Quizada.

Masyado umanong mabilis ang takbo ng motorsiklo nina Correo at Quizada kaya’t hindi na sila naiwasan ni Abrillo na nabulaga sa insidente.

Sa lakas ng banggaan, tumilapon ang mga biktima sa kalsada at dito’y nabagok ang ulo ni Quizada na kanyang ikinamatay.

Lumilitaw sa medical records na kapwa nasa impluwensya ng alak sina Correo at Quizada nang mangyari ang aksidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">