Advertisers

Advertisers

Gabbi solong nagse-set up ng gamit sa live Zoom ng Sunday show

0 317

Advertisers

MAY pasilip ang Kapuso Global Endorser na si Gabbi Garcia kung paano siya naghahanda sa tuwing sasabak sa live streaming ng ‘All-Out Sundays’ tuwing Linggo.

Sa kanyang recent YouTube vlog, isa sa preparasyon ng Kapuso star ang paggamit ng hair treatment the night before ng kanilang live para sa AOS.

Isang oras bago naman ang livestream, isang simpleng skincare at makeup routine lang ang ginagawa niya.



Aniya, “Usually my makeup for All-Out Sundays is super simple since we’re on Zoom. Parang walang makeup.”

Pagbabahagi pa ng Kapuso star, sa loob ng linggong iyon ay ibinibigay na raw ng production team ang videos, study materials, and songs. Si Gabbi rin daw ang nag-aayos ng setup niya gaya na lang ng lights, laptop, at table para sa kanilang Zoom live.

Mapapanood ang AOS tuwing Linggo, ‪12:45PM, sa GMA-7 at official social media accounts ng GMA Network.

***

Rita Daniela may pasilip sa upcoming movie



Katatapos lang ng walong araw na taping ng upcoming film na ‘My First and Always’ na kabilang sa cast ang Kapuso loveteam na sina Rita Daniela at Ken Chan.

Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Rita ang mga nakasama niya rito, “sepanx is real! i’ve been with these amazing people for 8 days and i miss them so much. most especially ang aming bonggang bonggang direktor, @direklouieignacio, direk carlo and direk abijah! direk ross, sa aming stylists na si mars ashley, ate may, john glen thank u ate @only_pomposa and jonggi! sa aming stillman. @gabdelumpa. sa prod & staff, beauty, ate katya, sir @dennisevangelista888 at marami pa pong iba. most especially sa @hbeproduction, miss @harlenebau, sir @herbert.bautista.397, kuya hero bautista.”

Ipinasilip din niya sa fans ang gagampanang role bilang si Luisa sa ilang behind-the-scenes photos. May mga pa-tabing ilog wet look pa siya!

Samantala, patuloy na napapanood ang RitKen sa ‘All-Out Sundays’ sa GMA Network.

***

Dina Bonnevie at Snooky Serna, todo-paghahanda sa pagbabalik-taping ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday

Matapos ang ilang buwang taping break, ready nang magbalik-trabaho ang seasoned actresses na sina Dina Bonnevie at Snooky Serna para sa Kapuso primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

At bilang preparasyon, nagkaroon sila ng script reading kasama ang iba pang cast at production team.

Aminado si Snooky na magkahalong excitement at kaba ang kanyang nararamdaman sa muling pagsabak sa trabaho.

Aniya, “I have to be strong. I just have to pray and that’s what I have been doing always, mas naging malapit ako sa Panginoon dahil on my own strength, hindi ko talaga kakayanin ang magtrabaho sa tindi ng takot ko talaga.”

At dahil magbabago ang proseso ng taping sa ilalim ng new normal na mahigpit na ipatutupad ang safety protocols at guidelines, tiniyak naman nina Barbie Forteza at Kate Valdez na makakaasa ang mga manonood na tuloy ang kanilang paghahatid ng kilig at drama. Hahamunin pa nga raw nila si Dina na sumabay sa kanila sa pag-TikTok.

Ready naman si Dina sa kanilang challenge. “Pwede. Natutunan ko na ‘yan during the lockdown.” (Showbizteam)