Advertisers

Advertisers

Kim mananatiling Kapamilya kahit tapos na ang serye

0 272

Advertisers

HANGGANG September 11 na nga lang daw ang serye ni Kim Chiu na Love Thy Woman na nag-start ng February at nawala nung March dahil sa pandemic sa pagdedeklara ng ECQ.

Nagbalik lang ang serye ni Kim ng May at muli itong umere.

Lockdown sa taping ang buong cast at production.



Naging super bonding ang lahat sa set.

Dahil sa hindi pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN ay sa online na nawa-watch ang serye ni Kim.

Sa kabila ng pagtatapos ng kanyang serye ay nagpasalamat si Kim sa kanyang home network sa pagbibigay basbas na lahat ng talent ng Star Magic ay pinayagan na mag-work sa mga kalabang himpilan tulad ng GMA 7 at TV5.

Pinayagan na ni Mr. M (Johnny Manahan) na magtrabaho ang kanilang mga artista sa kalabang network sa kawalan ng raket simula nang magsara ang Kapamilya Network.

Inamin ni Kim sa kanyang social media account na mananatili siyang Kapamilya.



***

ANJO YLLANA INC MEMBER NA KAYA MAY SARILING SHOW NA SA NET 25

 

NASILIP ng netizen kung bakit biglang nagkaroon  agad ng show sa Net 25 si Anjo Yllana.

Mabilis na nagkaroon ng show si Anjo sa nasabing INC channel.

Dahil kilala naman ang comedian-host ay binigyan ito ng break ng nasabing estasyon.

Ang pagpapa-convert umano nito sa INC ang dahilan para  magkaroon ng sariling show si Anjo sa nasabing network.

Ayon sa netizen, kundi pa nga raw ito nagpa-convert ay nungka na anya itong magkaroon ng sariling show.

Well, well, well… ‘Yun na! (Jovi LLoza)