Advertisers

Advertisers

Sundalo, niratrat sa loob ng kampo 

0 220

Advertisers

Dead on arrival sa Maria Eleazar Memorial District Hospital sa bayan ng Tagkawayan, Quezon ang isang sundalo ng 96th Infantry Battalion, Philippine Army, na naka assign sa Barangay Bagong Silang, nang pagbabarilin sa barracks o kubo sa loob mismo ng kanilang kampo noong Miyerkules ng umaga.
Ayon sa report, nasa loob ng kanyang kubo ang biktima na kinilalang si Corporal Pe Tampoco, 32-anyos, nang pagbabarilin ito gamit ang kalibre .9 mm.
Sa ulat, bago ang pamamaril ay kainuman pa ng biktima ang ilan sa kanyang mga kasamahan at posibleng nakaalitan ng biktima ang suspek habang nag-iinuman.
Tumangging humarap ang asawa ng biktima. Pahayag niya, sana raw ay magkaroon ng hustisya ang nangyari sa asawa.(PTF team)