Advertisers
Patay ang isang barangay kagawad na kilala sa pagiging anti-corruption advocate nang pagbabarilin ng dalawang lalaki sa Brgy. Balintaugan, Busko, Mountain Province.
Kinilala ang biktima na si Salvador Liked, residente ng naturang lugar.
Sa ulat, bukod sa pagiging Barangay Kagawad, secretary-general rin si Liked ng Citizens Crime Watch (CCW) Cordillera.
Sa report, nangyari ang pamamaril ilang metro mula sa bahay ng biktima.
Sinasabing lumabas ng bahay si Liked para tingnan ang ginagawang construction project mga 20 metro ang layo mula sa kanilang bahay nang lapitan at biglang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Patuloy ang ginagawang pag-iimbestiga ng mga awtoridad para alamin kung ano ang motibo sa nangyaring pamamaslang at para tukuyin kung sino ang mga salarin.(PTF team)