Advertisers
INARESTO ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team(SMaRT) ang tatlong katao kabilang ang pamangkin ng 76-anyos ng matandang babae na pasimuno sa pag abandona sa kanya noong Seyembre 2 sa ilalim ng tunnel ng Mc Arthur Bridge sa Sta. Cruz, Maynila.
Iprinisinta kay Manila Mayor Isko Moreno, sina Rogelio Espino, 53, driver ng tricycle driver; Emerita Decillo, 60, sampaguita vendor at taga-717 Benita St., Tondo; at Ephraim Tan Yap, 51, pamangkin ng biktimang si Fulgencia Tan, 76, person with disabled na rin at taga-Wellington Building, Norberto St., Binondo, Maynila.
Inamin ni Decillo sa alkalde na iniwan niya sa lugar ang biktima dahil desperado na umano siya na hindi sila tinanggap sa Missionary of Charity na paglalagakan sana nila sa matanda.
Nalaman naman kay Yap na tatlong linggo na naka-confine ang kanyang tiyahin sa Metropolitan Medical Center at napunta sa kanya ang responsibilidad sa matanda noong mamatay ang kanyang asawa.
Nilapitan umano niya si Decillo at nagpatulong na dalhin sa Missionary of Charity ang matanda at binigyan niya ito ng P1,500 para makabili ng pangangailangan ng kanyang tiyahin.
“Lumapit po ako kay Emie, pagtapos po noon pumunta kami ng barangay para sa certication na inaabandona ko na ang auntie ko. Kaya humingi po ako ng tulong para maipadala siya sa mga center,” ayon kay Yap.
Sinabi ni SMaRT chief PMaj Rosalino Ibay na sasampahan ng kasong paglabag sa Article 275 ng Revised Penal Code o ‘Abandonment of Persons in Danger and Abandonment of One’s own Victim’ ang mga suspek.
“Nalaman natin na ang victim ay isang Person with Disability at senior citizen. We conducted a follow-up operation na nagresulta sa pagkaka-aresto ng tatlong malefactor natin. Ngayon, haharapin na nila ang ginawa nila,” dagdag ni Ibay. (ANDI GARCIA)