Advertisers

Advertisers

300KM ILLEGAL ELECTRICAL WIRE NAKUMPISKA NG MORE POWER SA  ‘OPLAN VALERIA’  ANTI-JUMPER RAID

0 255

Advertisers

SA loob lamang ng isang buwang tuloy tuloy na operasyon laban sa illegal electric connection sa Iloilo City ay umabot na sa may 300 kms na illegal wiring o jumper cables ang narekober ng More Electric and Power Corp (More Power).

Ayon sa More Power kung ilalatag ang kanilang nakumpiskang illegal wiring ay nasa 300 kilometers na ito at kung titimbangin ay aabot ng 10 tons.

Sa datos ng More Power ay nasa 156 barangays na sa kabuuang 180 barangays ang kanilang nagalugad sa isinasagawang ‘Operation Valeria’ anti-jumper raid. Sa loob ng isang buwan ay may 5,000 illegal connections na nakakabit sa kanilang secondary line narin ang natanggal.



Upang masiguro na hindi na muling makapagpakabit ng jumper sa mga lugar na mataas ang rate ng illegal connection ay nagtalaga na ang More Power ng  500 guwardiya sa iba’t ibang lugar para regular na magbantay.

“Weve already placed almost 500 guards in areas where power pilferage has been observed to be prevalent”, ayon sa More Power.

Samantala, nasa 17 katao na ang nakasuhan matapos mahuli sa aktong nagkakabit ng jumper cables. Ang mga ito ay nahaharap sa mabigat na kaso bukod para sa itinakda ng korte sa P130,000 ang kanilang piyansa.

Sa ngayon, nagpapatuloy parin ang ginagawang Oplan Valeria  Anti-Jumper Raid ng More Power sa may 24 pang natitirang barangays.

Tiniyak ng More Power na wawakasan nito ang illegal power connection sa Iloilo City, na ayon sa isinagawang pag-aaral ay umabot na sa 30,000 ang talamak na paggamit ng jumper, dahilan kung bakit mataas ang insidente ng sunog sa power lines at mataas na system loss.



Ang nakumpiskang  jumper cables aygagamitin ng More Power bilang ebidensya laban sa dating distribution utility na Panay Electric Company (PECO).

“All of these wirings are measured and then labelled to be used as evidence in the investigation and eventual case that would be filed against PECO to prove how prevalent power pilferage has been in the city of Iloilo during their incumbency as its power distribution firm”, dagdag pa ng More Power.

Bilang resulta ng ginawang crackdown sa llegal power connection ay tumaass na ang bilang ng mga residente nag-apply para sa pagpapakabit ng kanilang sariling electric meter. (PFT Team)