Advertisers
TAMPOK ang award-winning young actor na si Miggs Cuaderno sa Unlocked anthology-Neo & Omar, na nagsimulang mapanood sa GagaOOlala last September 3.
Mula sa pamamahala ni Direk 0Alix Jr., kasama ni Miggs dito ang newcomer na anak ni Wendell Ramos na si Saviour Ramos.
Nabanggit ng Kapuso young actor ang role niya sa nasabing LGBTQ serye.
“Ako po rito si Neo na ang magulang ay isang frontliner na nurse. Napapanahon po itong short film namin na Neo & Omar, ako po rito ay isang isang 16-year-old na batang hindi nakakapagsalita, pero nakakadinig po,” aniya.
Ano ang masasabi niya kina Saviour at Direk Adolf?
“Mabait po si Kuya Saviour at mahusay po niyang nagampanan ang kanyang role, bagay sa kanya yung pa-cool na role. Sana magkasama pa kami sa iba pa pong projects,” sambit ni Miggs.
Dagdag pa niya, “Si Direk Adolf po ay napakabait at mahusay, mabilis siya mag-work, kaya ‘di po namin namalayan na pack-up na pala.
“Bata pa lang po ako nakaka-work ko na si Direk Adolf sa Wagas at Wish Ko Lang. Professional po talaga siyang magtrabaho at may tiwala po ako sa kanya kaya ginawa ko po itong Neo & Omar.”
Inusisa rin namin siya ukol sa accidental kissing scene nila rito ni Saviour.
Pahayag ni Miggs, “Noong binasa ko po ang script tumakbo ako agad kay mommy, nang nakita ko na may kiss at sinabi ko po na hindi ko kayang gawin. Kaya tumawag po kami agad kay direk Adolf Alix Jr. para sabihin na ‘di ko kaya gawin at iba na lang po ang kuhanin. Kasi po, kaya agad ako tumawag para po makakuha agad si direk Adolf ng kapalit ko.”
Esplika pa niya, “Natawa po sa akin si direk Adolf dahil alam niyang 16 years old pa lang po ako. Basta po panoorin na lang nila… Masarap po maka-work ang mga award winning director kasi po aalagaan at aalalayan ka nila at may matututunan ka po. Napakahusay po talaga ni Direk Adolf, eh…
“At nandiyan po si mommy na hindi po ako pababayaan at iga-guide ako sa lahat ng gagawin ko.”
Pahabol pa ni Miggs, “Kaya kaabang-abang po ang ginawa kong ito na BL, coming of age po itong Neo & Omar.” (Nonie V. Nicasio)