Advertisers

Advertisers

Elisse tutol ang ermat sa pakikipagbalikan kay McCoy

0 283

Advertisers

“ALWAYS.”  ‘Yan ang linyang nagpakilig sa mga fan ng dating tambalang “Mclisse”  nang mag-post si McCoy de Leon ng larawan nila ni Elisse Joson habang magkasama sa isang romantic cruise, at may pahalik pa sa noo ng dalaga.

Back in each other’s arms na nga ba ang dalawa matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila last year?

Pero gaano katotoo na hindi raw sang-ayon ang doktorang ina ni Elisse sa napapabalitang balikan nila?



Matatandaang pumutok ang usap-usapan noon na umpisa pa lang, hindi na raw talaga boto ang ina ni Elisse sa relasyon nila ni McCoy. Ang isyung ito, hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw, dahil hindi naman ito sinasagot ng dalawa.

Ganoon pa man, masaya at nagdiriwang ang co-artists at fans ng tambalang Mclisse sa itinuturing nilang ‘Love the Second Time Around.’

Kahit pa nga malabo pang bumalik on-screen ang tambalan nila, dahil nasa magkaibang bakuran na ngayon ang dalawa. Si McCoy ay lumipat na sa Viva, while si Elisse ay nananatiling nasa pangangalaga ng ABS-CBN 2

***

YLONA GARCIA MAY KAPALIT NA SA SHOWBIZ CAREER



BUWAN ng Hulyo ngayong taon nang bumalik sa Sydney, Australia si Ylona Garcia para makasama ang kanyang pamilya.

Habang nasa Sydney ang young singer/actress, ginawa niyang makabuluhan ang kanyang oras ngayong pandemya sa pamamagitan ng paghahanap ng trabaho roon. At sa kanyang IG post noong isang araw, proud na inilathala niya ang kanyang bagong trabaho, isa na siyang service crew sa McDonalds.

Well, kung ganyang may trabaho na sa bayang sinilangan si Ylona, baka hindi niya na maisipang bumalik pa ng Pinas. Naisip niya siguro na bumalik na lang sa Sydney dahil wala naman kasing nangyari sa kanyang showbiz career.

At least, kasama niya na ang kanyang pamilya ngayon. (Rommel Placente)