Advertisers

Advertisers

BB nadulas, buking na may nakaraan sa sikat na aktor

0 545

Advertisers

SA kanyang Youtube channel, inamin ni BB Gandanghari ang naging relasyon niya sa isang sikat na actor sa Pilipinas habang nasa San Francisco, California sila.
Sa kanyang kuwento, binago niya ang mga pangalan ng mga taong sangkot sa kanyang talambuhay.
“David” ang ipinalit ni BB sa pangalang Rustom at “Jonathan” naman ang itinawag niya sa sikat na aktor habang nagku-kwento.
Ayon kay BB, nagkaroon ng matinding bonding sa San Francisco sina David at Jonathan na nauwi sa kwentuhan, inuman, halikan, at yakapan.
Tinapos ni BB ang kwento sa pagtulog magkasama ng dalawa at itutuloy daw niya ito sa susunod na vlog.
“Si Rustom, magaling makisama. At yun din ang masasabi ko, si Jonathan, magaling makisama. May click in other words. It clicked, parang isang barkada na nag-gel. Nag-gel si Rustom sa grupo.
“Nag-umpisa bilang buddies, enjoying each other’s company… They just danced the whole night. It was a night to remember…
“Rustom, after a long time, genuinely felt cared for… hindi lang dahil kay Piolo, pero lahat ng kasama niya at that time was really very… That made the night more memorable. Before anything, kaibigan, kaibigan ang nakita ni David, masayang kasama, mukhang fearless and, basically, the whole night, they were on the same page. Nagpunta sila dun sa bahay and they drank more, kuwentuhan, kuwentuhan, more bonding. And niyaya ni Jonathan si David na lumabas para maglakad. It’s three in the morning. “Lumabas, naglakad silang dalawa, nag-uusap, nagkikilanlan and, again, kung ang pagbabatayan, e kung ano ang nararamdaman ni Rustom noon, nabaitan siya kay Jonathan. Nakita niya ang sarili niya kay Jonathan when he was 23, when he was starting [sa showbiz]… “In a matter of one day, lumalalim yung connection, nagba-bonding nang sobra thru pakikipag-usap. Yung nagkukuwentuhan lang…,” kuwento niya.
“By the time na pumasok sila ng bahay, pretty much si Rustom, of course, nakainom na siya. Pero charmed, to say the very least, I think he found the guy, parang, genuine.
“So, kuwentuhan, kuwentuhan… Nagtanong si Rustom, ‘Saan ang restroom?’ Sa taas daw. So, umakyat, pasok sa restroom, weewee.
“Then, lumabas ng bathroom, pagbukas niya ng pinto, nandoon si Jonathan. And then we kissed… It was probably the most felt kiss. It was deep, it was passionate, but it was also more than that. May feeling, e.
“But, it ended there when they realized may mga tao sa baba. They stopped, and then bumaba na si Rustom… “The night is over, but then, the fact remains, sumasaya yung puso, kaya dun na siya nalilito. Kung pagbabatayan ang puso, it feels so right. That early, yun ang pinagdaraanan ni Rustom, may guilt kaagad….
“Nagkita sa park, they started strolling and talking and getting to know each other.
“But this time, parang nagiging maliwanag yung, ‘Uy, I like you, you like me.’ You know what I mean? Parang nagiging maliwanag ‘yon… They were strolling, strolling na hindi nila namalayan na two hours has passed.
“And then, eto na, tawag na, hanap na. Nagkakagulo na pala sa hotel kasi hindi alam kung nasaan si ano. Isang oras na siyang hinanap. “Pagdating ngayon ni Rustom sa hotel, naku, eto na yung manager. Sabi sa kanya, ‘Saan ka nagpunta?’ “Sabi ko, ‘Ha, dun nga sa amusement park.’
Sabi niya, ‘Kasama mo si Piolo?’ Sabi ko, ‘Hindi, nagkita lang kami sa baba, pero hindi siya sumama.’ All of a sudden, Rustom now is automatic, parang living a lie. Automatic…
“True enough, mga 2 p.m., nagri-ring ang hotel phone. Sinagot ni Rustom, ‘Hello,’ si Jonathan on the other end. Sabi niya [Jonathan], ‘Puwede ba akong umakyat?’ Sabi ni Rustom, ‘Sige, halika na. Okey naman.’ Sabi niya [Jonathan], ‘May kasama ka ba diyan?’ Sabi niya [David], ‘Halika, akyat ka dito.’ “So, umakyat si Jonathan. Pagdating ni Jonathan, meron siyang bottle of wine at tatlong pirasong saging. Talagang may saging…
“So, pinapasok niya, nagkuwentuhan sila. Ganoon din, binuksan ang wine. Nagkuwentuhan pa nang nagkuwentuhan. Nagkakilanlan, nagtatawanan, nagbibiruan. “It was really more of parang male bonding. Hindi naman sila nagpi-flirt, pero alam mong between them, there was an attraction…
“Right at this time, nagme-male bonding silang dalawa. Surprisingly, nagkaroon sila ng private moment. Hindi talaga sinasadya ‘yon. All of a sudden, they found themselves in their own privacy.
“While nag-iinuman sila at nag-uusap, parang biglang… Alam niyo naman ang dalawang tao na nag-e-enjoy sa isa’t isa, di ba? Then, all of the sudden, they realized na, ‘Wow, we are suddenly alone.’ Wala pa kasi akong pagkakataon na maging alone, honestly, that’s the truth.
“I think David saw love in Jonathan’s eyes. If not attraction, but he saw something in Jonathan. And then they kissed again and again and again. They embraced, they kissed, but basically that. No touching, nothing, just really embracing and kissing. That was enough for Rustom, and then they slept, embracing each other,” dugtong niya. (Archie Liao)