Advertisers

Advertisers

Sundalo, 5 rebelde patay sa bakbakan sa Palawan

0 222

Advertisers

PATAY ang isang Marine Sergeant at limang rebelde, kabilang ang isang lider at anak ng dating NPA spokesman na si Ka Roger Rosal, sa sagupaan sa Palawan nitong Huwebes ng umaga, Setyembre 3.
Kinilala ang nasawing Marine commando na si Staff Sgt. Cesar Vargas. Ang mga napatay na rebelde naman ay nakilalang sina Bonifacio Magramo alias Boywan, secretary ng Regional Military Unit 4 ng Southern Tagalog Regional Party Committee; Andrea Rosal alias Nana, deputy secretary na anak ng dating lider ng NPA na si Ka Roger Rosal; alias Celnon, alias Pandan at alias Jay-R.
Ayon kay Lt. Col. Stephen Penetrente, spokesman ng Western Mindanao Command, sumiklab ang bakbakan 5:00 ng umaga kungsaan nakaengkwentro ng Marine Battalion Landing Team 4 ang walong communist rebels habang nagsasagawa ng security operations.
Partikular itong naganap sa Sitio Kabuyuan, Barangay Mainit na may 66,000 residente.
Patuloy pa ang pagtugis ng militar sa mga tumatakas na mga rebelde. (Mark Obleada)