Advertisers

Advertisers

Covid update: 880 gumaling; 65 nasawi; 1,987 new cases

0 225

Advertisers

UMAKYAT na sa halos 160,000 ang bilang ng mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na gumaling na sa bansa.
Batay sa case bulletin no. 173, nabatid na nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 880 recoveries sanhi upang umabot na sa 159,475 ang naitatalang COVID-19 recoveries sa Pilipinas.
Samantala, tumaas din naman ang bilang ng mga pasyenteng dinapuan ng virus na ang total case ay umabot na ngayon sa 228,403, matapos na makapagtala pa ang DOH ng karagdagang 1,987 bagong kaso ng sakit, hanggang 4:00PM ng Setyembre 3.
“As of 4PM today, September 3, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 228,403,” anang DOH. “A total of 1,987 confirmed cases are reported based on the total tests done by 91 out of 113 current operational labs.”
Ayon sa DOH, sa ngayon ay may 65,240 pa sa mga naturang kaso ang itinuturing na aktibo, habang 90.8% ang mild cases; 6.7% ang asymptomatic; 1.0% ang severe at 1.45 ang critical.
Karamihan naman sa mga bagong kaso ay naitala sa National Capital Region (NCR) na nasa 818; Cavite na nasa 153; Laguna na nasa 125; Negros Occidental na nasa 122 at Rizal na nasa 78.
Samantala, umaabot na ngayon sa 3,688 ang total COVID-19 deaths sa Pilipinas matapos na madagdagan pa ng 65 namatay sa sakit ngayong araw.
Sa naturang COVID-19 deaths, dalawa ang naganap ngayong Setyembre; 55 noong Agosto; anim noong Hulyo; isa noong Hunyo at isa rin noong Abril.
Ang 35 sa mga naturang namatay dahil sa COVID-19 ay naitala sa NCR; siyam mula sa Region 4A; anim mula sa Region 8; tig-tatlo sa Region 10 at CARAGA; tig-dalawa sa Region 1, Region 9, at Region 12, habang nakapagtala naman ng tig-isang COVID deaths ang Region 3, Region 6 at Region 7.
Kaugnay nito, may 24 na duplicates ang inalis ng DOH mula sa total case count kabilang ang 12 recovered cases.
Myaroon ring tatlong kaso ang unang naiulat na nakarekober ngunit lumitaw sa balidasyon na binawian na pala ng buhay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)