Advertisers
PATAY ang isang pulis nang barilin sa Rodriguez, Rizal.
Kinilala ang nasawi na si Patrolman Mohamadal Sulalman ng Quezon City Police District (QCPD).
Sa imbestigasyon, naglalakad ang pulis pauwi sa kanilang bahay sa Barangay San Jose matapos bumili ng pandesal nang barilin ng isang lalaki.
Sa pahayag ng testigo, mabilis na tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.
Nangako si NCRPO Chief, Major Gen. Vicente Danao Jr, na tutukan ang pagresolba sa pagpatay sa kanyang pulis.