Advertisers

Advertisers

‘Selos at inggit’ pumatay sa Maguad siblings ng adopted daughter ng pamilya

0 792

Advertisers

UNTI-UNTI nang nakakamit ng pamilya Maguad ang hustisya para sa magkapatid na sina Crizzle Gwynn at Crizville Luois Maguad nang umamin ang adopted daughter ng pamilya na si “Janice” sa pagpatay sa magkapatid.

Ayon sa ama ng mga biktima na si Cruz Maguad, inggit at selos ang dahilan kung bakit pinatay ni Janice ang kanyang mga anak.

Gusto raw kunin ni Janice ang puwesto ng kanyang anak na si Crizzle Gwynn.



Isang working student si Janice at ang mismong isa sa biktima na si Crizzle Gwynn ang umampon dito na mula sa isang orphanage sa North Cotabato at parang tunay na magkapatid ang turingan ng isa’t isa.

“According sa narinig naming confession niya [Janice], is nagseselos daw talaga siya kay Gwynn–naiinggit siya kay Gwynn. So kaya nga galit na galit siya kay Gwynn dahil gusto niyang kunin talaga ang place ni Gwynn,” ani Cruz.

“Kasi narinig ko, na ‘yun ang personalidad niya kapag galit siya sa isang tao talagang kukunin niya,” dagdag pa niya.

Noong Disyembre 10, dakong 2:00 ng tanghali naganap ang krimen. Naging isa sa ‘persons of interest at material witness’ si “Janice” dahil siya ang kasama ng mga biktima at ang tanging nakaligtas.

Bago mag-post sa Facebook, nagpadala muna siya ng mensahe sa chat room ng pamilya na pinasok umano ang bahay nila ng mga ‘di kilalang tao 2:58 ng hapon.



Matapos nito, nag-post sa Facebook si Janice 3:04 ng hapon para humingi ng tulong.

Mas naging kahina-hinala si Janice nang magpalit ito ng pangalan sa Facebook.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Social Welfare and Development Office sa M’lang, North Cotabato si Janice dahil menor de edad ito at nahaharap ito sa kasong murder.

Samantala, patuloy pang hinahanap ng mga pulis ang isa pang kasamahan ni Janice sa paggawa ng krimen.