Advertisers

Advertisers

4 NPA patay sa engkwentro sa Masbate

0 306

Advertisers

SORSOGON CITY – Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa engkwentro nitong Biyernes ng umaga, Disyembre 17, sa boundary ng Barangay Baras, Esperanza at Brgy. Manlut-od, Placer, Masbate.

Ayon sa 9th Infantry Division, rumesponde ang pinagsamang puwersa ng Placer Police at 2nd Infantry Battalion sa tawag ng isang concerned citizen tungkol sa presensiya ng nasa 20 armado sa kanilang lugar.

Nang magkamataan, nagkapalitan na ng putok ang dalawang panig. Nang humupa ang putok at sa clearing operations, natagpuan ang mga bangkay ng apat na rebelde.



Nakuha sa tabi ng mga bangkay ang 5 high powered firearms, 1 low powered firearms, 2 RPGs, 1 hand grenade, anti-personnel mines at subersibong dokumentos.

Inaaalm pa ang pagkakilanlan ng mga nasawing rebelde.