Advertisers
NAGSISIMULA panga lang sa kanyang trabaho si Atty. Dante Gierran ay katakot-takot nang pang-iinsulto ang kanyang inaani. Pero dedma lang siya rito.
“Hayaan niyo sila ‘yung mga nagko-comment. It’s their right to comment. I admit. Ano nga ba alam ko sa public health? Of course… aaralin ko ‘yan,” sagot ng CPA lawyer at retired NBI (National Bureau of Investigation) Director.
At least honest si Gierran sa kanyang sarili.
Ang ayaw ko lang sa tinuran ni Gierran ay hihingi siya ng tulong sa kanyang pinalitang PhilHealth President na si Ricardo Morales, isang retiradong military General.
Si Morales ay pinalayas sa PhilHealth dahil sa katiwalian. So, bakit sa kanya manghihingi ng tips sa pagpatakbo sa state insurer eh sumabog na nga ang kanyang pagiging incompetent o kapabayaan kung kapabayaan mang tawagin ang pandemya ng korapsyon sa ahensiya.
Tamang pag-aralan nalang ni Gierran ang tamang pagpapatakbo ng PhilHealth. Tiyak matotonan niya ito sa maikling panahon lalo’t isa siyang certified public accountant at mahusay na abogado.
Ang unang dapat gawin ni Gierran sa PhilHealth ay alisin sa puwesto ang mga taong isinasangkot sa korap-syon, ang sinasabing mafia sa loob. Kung hindi man matanggal ang mga ito dahil protected ng Civil Service law, itapon nalang kangkungan para mabuwisit at kusang lumayas sa PhilHealth ang mga ito. Mismo!
***
Tamang pigilan ng mga Senador ang isinusulong na naman ng mga kongresistang sipsip kay Pangulong Rody Duterte na emergency powers para maayos ang problema sa PhilHealth.
Sabi ni Senador Franklin Drilon, ang pinaka-beterano sa Senado, hindi na kailangan ng karagdagang kapangyarihan ni Duterte dahil nasa kanya na ang lahat ng kapangyarihan tulad ng “hire and fire”, at kung protektado ang opisyal ng Civil Service law, maari naman niya itong itapon sa kangkungan ika nga. Tulad sa Maynila, ang mga department head na “bata” ng nakaraang administrasyon ay itinatapon lang sa sementeryo o boys town. Hehehe…
***
Napaka-‘OA’ naman nitong ordinansang isinusulong sa lalawigan ng Bulacan hinggil sa pagsusuot ng facemask at face shield ng mga mangingisda at magsasaka.
Hindi ba naisip ng board member na ito na maaring ma-suffocate ang magsasaka o mangingisda habang nagtatrabaho ng may puwersa? Eh kakapusin ka sa paghigop ng hangin kapag may takip ang iyong ilong at may face shield habang nagsasaka o nagbabatak ng lambat.
Sa opis nga lang, kapag nagko-computer ka at may facemask ay naghahabol ka na ng hinginga eh, ang magsaka pa kaya sa gitna ng mainit na araw nang naka-facemask? Fuck!
***
Mayroon akong nabasang artikulo sa Canada naman. Iminumungkahi ang pagsuot ng facemask at condom pag nag-sex. Putah?
Anong sarap pa ang mararamdaman mo kung ikaw ay naka-facemask at naka-condom habang bumabayo? Sige nga?
At papayag naman kaya ang partner mo nang wala manlang kissing (dahil naka-facemask) bago magpabayo?
Ang sex ay nangangailangan ng foreplay para marating ang langit, ‘di ba mare’t pare? Hehehe…