Advertisers

Advertisers

2 pulis, staff ng NCRPO buking na adik, sibak!

0 481

Advertisers

SIBAK ang tatlong tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nang magpositibo sa iligal na droga.
Ayon sa NCRPO chief, Major Gen. Debold Sinas, kabilang ang tatlong ito sa 260 pulis at mga tauhan na naisailalim sa sorpresang drug test nitong Agosto 30.
Kinilala ang mga nagpositibong pulis na sina Patrolman Robert Lozano Buenavente at Patrolman Guillermo Laggui, nakadestino sa Regional Headquarters Support Unit (RHSU) ng NCRPO, habang ang isa pa ay contractual employee ng RHSU.
Ayon kay Sinas, nagpositibo ang tatlo sa methamphetamine hydrochloride o shabu. (Gaynor Bonilla)