Advertisers

Advertisers

Lola inabandona sa ilalim ng tulay sa Maynila

0 418

Advertisers

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ang isang lola na inabandona sa ilalim ng MacArthur Bridge sa Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, agad pinuntahan ng MDSW si lola Fulgencia Tan nang mag-viral ang kaniyang larawan na ibinahagi ng netizen sa social media.
Ayon sa post, inabandona ng isang tricycle driver ang lola sa ilalim ng tulay. Naisailalim narin sa medical check-up ang matanda at nasa pangangalaga ngayon ng MDSW. Hinahanap pa ang kaniyang pamilya. (Jocelyn Domenden)