Advertisers
NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang car show model at dalawa pang kasama nito sa buy-bust operation Miyerkules ng gabi sa Quezon City.
Kinilala ang mga dinakip na sina Julie Ann Domingo alias “Madam”, 20, car show model; Renzel Advincula alias “Tsong”, 26; at Mark Bayo, 18, kapwa residente ng Caloocan City.
Sa ulat, 6:00 ng gabi nang isagawa ang drug operation sa Shell gasoline station sa Clemente St., Brgy. San Agustin, Novaliches, Q.C.
Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer. (Boy Celario)