Advertisers

Advertisers

Korean titser, 1 Pinoy huli sa droga

0 243

Advertisers

KULONG ang isang Korean national at kasamang Pinoy sa nang makunan ng iligal na droga sa buy-bust operation nitong Huwebes ng madaling araw sa Quezon City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Hee Hwang, 49, tubong South Korea, English teacher; at Jonathan Lariosa, 33, kapwa residente ng Barangay Pansol, Q.C.
Ayon sa ulat, 3:30 ng madaling araw nang isagawa ang anti-drugs operation ng QCPD Station 8 sa Zigzag Road, Kaingin II, Brgy. Pansol.
Nakumpiska sa mga suspek ang 5 plastic sachet ng shabu at ang P500 marked money.
Nakapiit na ang mga suspek habang inihahanda kaukulang kaso laban sa mga ito. (Boy Celario)