Advertisers
ARESTADO ang isang Chinese national ng mga elemento ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group ( PNP -AKG), habang nasagip ang 2 Chinese nationals na biktima ng kidnapping sa isinagawang operasyon sa Angeles City.
Kinilala ang nadakip na si Xiong Xiong, Chinese national; at ang mga nailigtas ay kinilalang sina Zhang Quixing at Zeng Guoqiang.
Ayon sa ulat, 9:30 ng hapon nang isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng PNP-AKG Central Luzon Field Unit sa 14 Rosal St., Timog Park Subdivision, Brgy. Pampanga, Angeles City.
Sa report, kinidnap si Quixing sa NAIA terminal 1 sa Parañaque City at dinala sa Angeles City noong Agosto 29, 2020.
Sa report, pinapirma ang biktima sa isang blangko papel at sapilitan pinagtrabaho. Humingi ng RMB 20 thousand ang mga suspek sa mga kaanak ng biktima para sa ligtas na pagpapalaya dito.
Noong Sept. 1, 2020, pinalaya ang biktima malapit sa Jollibee Petron sa tapat ng Camp Crame, Quezon City nang magbayad ng 16,300 RMB ransom.
Nang matukoy ang saktong lugar na pinagdalhan sa biktima, sinalakay ito ng mga operatiba at nadakip si Xiong Xiong, at nasagip si Guoqiang noong Aug. 31 sa Pasig City..(Mark Obleada)