Advertisers
IBINAON ng Miami Heat ang 2-0 lead matapos tustahin ang No. 1 team na Milwaukee Bucks sa Game 2 ng kanilang Eastern Conference semifinals series kahapon, 116-114, sa Lake Buena Vista, Florida.
Inaksaya man ng Heat ang anim na puntos na lamang nila sa huling segundo, nakahanap naman sila ng paraan upang malusutan ang Bucks.
Ang dalawang ipinasok naman na free throw ni Jimmy Butler ang siyang bumasag sa tabla para maibulsa ang panalo.
Pinamunuan ni Goran Dragic ang opensiba ng Heat sa kinamadang 23 points, na No. 5 seed sa kasaysayan ng NBA na tumangay sa 2-0 series lead laban sa No.1 seed.
Nawalan ng saysay ang pinagsikapang 29 points at 14 rebounds ni Giannis Antetokoumpo.
Hawak ng Miami ang 90-86 abanse sa pagpasok ng fourth quarter, ngunit naagaw ito ng Milwaukee sa kauna-unahang possession sa final canto.
Muli namang tinangay ng Heat ang kalamangan matapos itala ang 15 puntos at itulak pa sa 103-93 ang iskor tampok ang 3-pointer ni Jae Crowder sa huling 7:50.
Matapos nito ay hindi na kailanman nilingon ang kalaban.