Advertisers
HAHAMUNIN ni Filipino fighter Joel Kwong ng San Juan City ang World Boxing Council (WBC) Asia Boxing Council super bantamweight champion Thatana “Chainoi Worawut” Luangpon ng Thailand sa Workpoint Studio sa Bang Phun, Thailand sa September 5.
Kahit naipanalo ang huling laban kontra Indonesian Julio de La Basez via technical knockout sa Bangkok noong October 26 nakaraang taon, ay hindi pa rin kumpiyansa si Kwong laban kay Luangpon na nanateling undefeated sa 12 laban.
Si Kwong, na nanirahan sa Bangkok simula pumasok sa boxing noong 2013, ay naipanalo ang kanyang nakaraang apat na laban, kabilang ang tatlong via stoppage, at may 9 na talo sa 14 na laban.
Impresibo rin ang panalo ni Luangphon sa kanyang huling laban, knockout ang Filipino na si Jomar Fajardo sa Thailand nakaraang August 1.
Nasungkit din ng Thai fighter ang WBC Asia Boxing Council super bantamweight crown matapos idispatsa si Alvin Medura, na isa ring Pilipino sa Workpoint sa Bangkok, Thailand noong October 19, 2019.
Ang undefeated Luangphon, tinatawag na “ Rock Man” ay napanatili ang kanyang titulo matapos itumba si Daichi Matsuura by unanimous decision sa Workpoint noong December 21, nakaraang taon.
Siya rin ang kasalukuyang WBC Youth World super bantamweight champion.
Ang Luangphon -Kwong 122-lbs. fight ay 8 rounds.
Ang co-main event ay eight-round rin sa pagitan nina Phongsaphon Panyakum kontra Arthit Kaewbantid (118 lbs.)