Advertisers

Advertisers

Sumbong ng vendor laban sa DPS sa Divisoria

0 407

Advertisers

Yung mga taga-DPS dito sa Divisoria sobrang yayabang, lalo na yung pinuno nilang mataba. Lahat ng mga upuan, lamesa, kartilya o kariton na mga bago pinag-iinteresan. Kasi binebenta nila sa Baseco. Ang style nila may runner na mauuna para manguha ng mga pwede nila ibenta. Sila nagpaparumi sa image ni Yorme. – Divisoria vendor

Reklamo laban sa health worker ng Maharlika Health Center sa Tondo
Good morning. Sana matulungan nyo kami tungkol po sa mga health worker ng Maharlika Health Center dito sa Herbosa, Tondo, Mla, District 1. Bastos po ang bunganga at wala modo sa mga pasyente kung magsalita. Lalo na po yun leader nila na babae medyo mataba ang katawan. Yun bunganga mataba sa kabastusan.
Hindi niya po iniisip yun sinasabi at ikakahiya ng pasyente. Basta-basta sya magbibitiw ng salitang masakit. Hindi nya alam yun pinagsasabihang pasyente ay may damdamin. Kaya nga po nagtitiyaga pumila sa health center kasi po wala pangbayad sa ospital pang-check-up.
Minsan po kasi ako mismo nakasaksi pinaaalis na parang hayop at sinigawan kami na parang umasta po talo pang mismo doctor. Dapat seminar po sya ng good moral. May damdamin po ang tao, nagtitiyaga pumila. Sana maaksiyunan ito ni Yorme. – Concerned citizen

Kitang-kita may problema sa kalusugan si Duterte
Kung malakas pa sa kalabaw si Pres. Duterte tulad ng sabi ni Sen. Bong Go tungkol sa kalusugan ng kanyang amo, maari nating sabihin na malusog lahat ng Pinoy kahit na may salot na covid. Depende parin sa katinuan ng isip ang maniniwala. Kung ang nagsasabi mismo ang may sakit tulad ni Duterte ay kapani-paniwala, na umaamin sa kanyang maselang kalusugan ay bakit tatanggapin ang sabi ni Go na pawang pambobola sa amo niyang mabuway ang tindig at bahaw ang boses. Kitang-kita naman ang ebidensyang aandap-andap na appearance. – Juan Matyag

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">