Advertisers
KUMPIYANSA si Senador Christopher “Bong” Go na kayang- kaya ni dating NBI Director Dante Gierran ang pagsugpo sa korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
Sinabi ni Go na kampante siyang kaya ni Gierran ang pagpuksa sa deep-rooted systematic corruption sa PhilHealth na nasa ahensiya ng maraming taon na.
Ayon kay Go, kailangangang malinis na ang ahensiya para maibigay na ang nararapat na serbisyo sa mga Pilipino dahil pera naman ng mga miyembro ang nagpapatakbo.
Binigyang-diin ni Go na naghihirap ang mga Pinoy makapag-ambag lang para may malapitan sila pagdating ng pangangailangan kaya naman hindi dapat na mapunta lang sa mga magnanakaw lalo na ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.
Ipinaalala rin ni Go ang bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang ahensiya mula sa mga corrupt officials, ibalik ang tiwala ng publiko at masigurong magagamit sa tama ang pera ng mga miyembro para maibigay ang tamang serbisyo sa mga ito. (Mylene Alfonso)