Advertisers

Advertisers

PHIL…”HEALTH IS WEALTH”…

0 261

Advertisers

Minsan pang pinatunayan na totoo nga ang kasabihang kinagisnan na natin, ito nga ang “health is wealth” na lalong tumibay nang dinugtungan pa ng pangalan ng bansang Pilipinas kung kaya’t naging PhilHealth hehehe.

Bakit kamo naging makatotohanan ang nasabing kasabihan? Eto na nga po ang katugunan mga kababayan…

Hindi na kaila sa ating lahat at tayong lahat ay naging mga saksing buhay sa naging kaganapan nito lamang mga nakaraang buwan na kung saan bilyong pisong halaga ang ninakaw na kayamanan sa pondo ng PhilHealth.



Di po ba napakalaking kayamanan at halaga ng salapi ang nawala sa kaban ng nasabing ahensiya kung kaya’t wasto nga at pinatunayan ang nasabing kasabihan.

Talaga nga namang totoo ang sinasabing halos katumbas ng malaking kayamanan ang kapakanan ng ating kalusugan na ninakaw lamang ng ilan tao para lamang sa sarili nilang interes tsk..tsk tsk. Eh papaano naman kaya ang ating kalusugan ngayon gayong wala na ang yaman hehehe…

Nuknukan ng kapal ng mga mukha ang mga taong nasa likod ng katiwaliang ito na diumano’y pinangungunahan nina Department of Health (DOH) Sec. Enrique Duque at PhilHealth Director Ricardo Morales na kasalukuyan daw na may dinaramdam na sakit.

Sinasabi ng iba na ito raw marahil ang sanhi ng kanyang karamdaman dahil sa sobrang kayamanan sa kanyang katawan. Iyan daw ang mga taong naging galante sa pera ng iba…susmaryosep…kaya nga siguro bumukol ito sa kanyang katawan hehehe.

Partikular kay Duque at Morales, sangkot din umano ang mga regional directors, ilan mga doktor, ospital at bangko sa nasabing katiwalian, ewan natin baka butlig lang ang tumubo sa kanilang mga katawan at hindi bukol dahil konti lang ang kanilang kinurakot kung ikukumpara sa mga una.



Marami ang nag-aantabay sa magiging resulta ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa magiging mga kaso ng mga taong mismong nasa likuran nito dahil wala na namang ibang magdudusa kundi si Juan de la Cruz.

Ito raw ang mga taong kung bansagan ay mga miyembro ng SWAT o Samahan Walang Awa sa mga Tao. Mantakin niyong mismong panahon ng pandemic nang maganap at mabuko ang mga ito, ang tindi ng mga naturalesa niyo.

Ngayong napalitan na si Morales ni dating NBI Director Dante Gierran, marami ang umaasa na muling makaka-bangon ang nasabing ahensiya.

Director Gierran, ngayon pa lang ay sumasaludo na kami sa iyo at naniniwalang malilinis mo ang PhilHealth sa mga bandido’t magnanakaw. Kudos at mabuhay ka!!!!