Advertisers

Advertisers

‘Cool Hub’ hosts, inihayag ang mga dream guest sa show

0 248

Advertisers

TINANONG  namin ang mga host ng Cool Hub na bagong online/Youtube channel talk/infotainment show ng GMA kung sino ang dream guest nila.

Ayon kay Ashley Ortega na isa sa mga unang guest ng show, isang masayang experience raw na naging guest siya sa Cool Hub. At kung mabibigyan siya ng pagkakataon na maging host ng anumang show (na isa sa mga pangarap niya), ang nais niyang maging guest ay si Gabby Concepcion.

“Kasi di ba naka-lockdown siya sa Batangas, and nakikita ko sa mga stories niya, sa mga posts niya sa Instagram, talagang naging probinsiyano na siya! Plantito na siya!”



Ang plantito o plantita ay tawag sa mga nahihilig mag-alaga ng mga halaman at puno ngayong panahon ng pandemya.

“So I wanna know more about that, sobrang na-appreciate ko yung nature, kasi plantita rin ako. Siguro I wanna talk about that, kung paano ang buhay sa probinsiya,” ayon pa kay Ashley.

Ang nais naman ni Ayra Mariano (isa sa mga host ng Cool Hub) ay mainterbyu ang creative journalist na si Abbey Sy.

“Youtuber din siya pero nag-publish po siya ng book, artist talaga siya. So parang gusto ko siyang i-feature kasi lalo na nahihilig din ako sa pagdyu-journal.

“Gusto ko ring manggaling sa kanya, as a professional creative journalist, na kung ano ang benefits ng journaling lalo na ngayong lockdown.



“Kasi siyempre di ba, we don’t know, sometimes yung thoughts natin, halu-halo siya. Hindi lang siya about sa pagsusulat ng thoughts natin, kumbaga parang ano yung benefits ng journaling sa health natin, sa mental health.

“And iyon din, yung creative way din ng pagdyu-journal.

“So it’s fun and yet it’s a hobby, it’s an interest na talagang makaka-help sa ating mental and spiritual being.”

Ang nais namang ma-interview ni Yasser Marta sa Cool Hub ay si Zoren Legaspi.

“Ang daming nagsisimula ngayon na mag-bike, especially dahil bike-to-work ang ginagamit nila, ng mga frontliners natin. And nakikita ko si kuya Zoren ang hilig niya talaga, bike and motorcycle, e.

“Kaya for me, ano ba ang mga ginagawa niya ngayon, and mga ruta niya pag nagba-bike siya and mga gear niya.

“Para makapagbigay din ng awareness sa mga nagba-bike ngayon. And si kuya Zoren ang tagal na talagang nagba-bike so ang laking advise din ang mabibigay niya.

Pareho rin daw nagba-bike sina Yasser at Ashley.

Ayon naman kay Manolo Pedrosa na isa pang male host ng Cool Hub…

“Ako gusto ko po sana, a health expert, a doctor, or like a fitness expert, para kasi, I know sa Cool Hub yung focus is collections but then I also want it to be very informational.

“Kasi yung first episode ko was about books and then I suggested why not also, we also pre-empt people to also inspire them to start reading, maybe start collecting their own books.

“So gusto ko mag-interview ng expert para we can, especially in these times na we can share valuable information that can impact our viewers in terms of their health, their fitness, especially in these times.”

Ano ba talaga ang Cool Hub? Ayon mismo sa GMA Artist Center…

“GMA Artist Center aims to further strengthen its online presence with its recently launched YouTube channel.

“Promising  to connect  netizens with  the artists through meaningful virtual interaction, GMA Artist Center is continuously creating a wide range of fresh, original, and exciting content for their YouTube channel. “These include  ‘Cool  Hub’   –hosted by Yasser Marta, Myrtle Sarrosa, Manolo Pedrosa, and Ayra Mariano – which features the different collections of the stars

“Subscribe now to the GMA Artist Center YouTube channel and follow their official socialmedia accounts on Facebook, Instagram, Twitter, TikTok and YouTube.” (Rommel Gonzales)