Sharon umaaray na rin sa kawalan ng raket sa showbiz; KC naispatan, kasama ni Piolo sa resthouse sa Batangas
Advertisers
PURO palabas ang kaperahan kay Sharon Cuneta at dahil sa pandemya ay wala na umanong pera na pumapasok sa kanya.
Dahil din sa Covid-19 kaya ang mga proyekto nitong naka-iskedyul ay nakansela.
Ang dalawa sanang concert ni Megastar with Regine Velasquez-Alcasid at ang solo show sa Australia ay naudlot dahil sa virus.
Kahit ang kanyang corporate show ay nakansela rin pati ang gagawin sana nitong pelikula ay natigil din dahil sa pandemya.
Ang laki nga raw epekto ng Covid-19 sa kanyang kabuhayan nasabay pa ang pagsasara ng ABS-CBN kaya ganun na lang ang panglulumo ng aktres.
Dahil walang income at walong buwan na wala pa ring trabaho ay nagbebenta na raw ito ng kanyang mga ari-arian.
Kaya naman naitanong ng netizens na paano pa raw ang mga artistang walang na-invest o nasubi lalo na sa panahon ngayon na maraming artista na nawalan ng trabaho.
***
WALA naman daw masama kung magkabalikan na ang ex-lovers na sina KC Concepcion at Piolo Pascual.
Pareho naman daw single ang dalawa kaya aprub sa netizens kung maging sila ulit.
Nabalita kasi na nakasama raw ni Piolo sa kanyang rest house si KC sa Batangas.
At ang nakakaloka pa, naispatan daw sila ng mga sitsiterang tsimmy na lovey dovey.
Kapwa tahimik naman ang kampo nina KC at Piolo sa nagkalat na isyu dahil na rin sa post sa kani-kanilang social media account.
Marami naman ang kinilig na followers nila sa tsikang balikan ng dating magdyowa.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)