Advertisers

Advertisers

Duterte tiwala parin kay Duque

0 217

Advertisers

AMINADO ang Malacañang na buo parin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque.
Sa kabila ito ng mungkahi ng Senado na sampahan ng kasong malversation of public funds si Duque dahil sa pagkakasangkot umano nito sa kontrobersiya ng PhilHealth.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagama’t iginagalang ito ni Pangulong Duterte ay nais munang hintayin ang kalalabasan ng imbestigasyon ng Task Force PhilHealth na binuo ng Department of Justice (DOJ).
Ayon pa kay Roque na i-evaluate muna ng Task Force ang naging findings ng Senado at nasa Task Force na aniya ang pagpapasya kung kanila itong sasang-ayunan.
Nilinaw din ni Roque, mayroong hanggang Setyembre 14 ang Task Force para ipakita ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa Pangulong Duterte. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)