Advertisers
SA halagang P150,000, pinatay ang isang magaling na doktor sa Barangay Nazareth, Cagayan de Oro City.
Sa kaagad na pagdakakip ng pulisya sa mga salarin, umamin ang tatlong hitmen na inalok sila ng P150,000 para itumba si Dr. Raul Winston Andutan, 62 anyos, medical director ng Maria Reyna-Xavier University Hospital.
Si Dr. Andutan ay pinagbabaril habang sakay ng kanyang SUV 10:00 ng umaga noong Huwebes, December 2, 2021.
Ngunit bago pa makubra ng mga salarin na pawang residente ng Bukidnon ang nasabing halaga, naaresto sila kinabukasan, Biyernes (Dec. 3), sa Barangay San Alonzo, Balingoan, Misamis Oriental.
Kinilala ang mga salarin na sina Jomar Pacilan Adlao, 30; Marjun Abayon Cabug; at Joel Arcilla Nacua, 37.
Sa kanilang safehouse, nakumpiska ang dalawang kalibre .45 baril at isang granada.
Samantala, nakaligtas ang pangunahing suspek na si Rene Tortosa, residente ng Balingoan.
Hindi umano kilala nina Nacua at Cabug kung sino ang mastermind sa krimen, ngunit sinabi raw sa kanila ni Tortosa na si Dr. Andutan ang sanhi ng pagkamatay ng isang pasyente.
Kalaunan, isa pang salarin ang nadakip na kinilalang si Felipe Tingabngab Entira, 63, sa bayan ng Balingasag.
Nagpapatuloy pa ang malalims na imbestigasyon sa krimen.