Advertisers

Advertisers

P714k shabu nasabat sa Pampanga

0 352

Advertisers

AABOT sa P714,000 halaga ng iligal na droga ang nasabat sa buy-bust operation sa Mabalacat, Pampanga nitong Linggo ng madaling araw.

Tinatayang nasa 105 gramo ng shabu ang nakuha ng Mabalacat City Police sa 43-anyos na si Alexis Morete mula Madapdap Resettlement ng nasabing siyudad.

“Dati na itong nahuli. Nasa watchlist na rin. Bumalik lang. Upon monitoring natin, syempre, ayun na found out natin na continuous pa rin pala ‘yung kanyang illegal activities niya,” ani Police Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Mabalacat City police.



Nakumpiska rin sa suspek ang P7,000 buy-bust money, isang cellphone, P1,000, at isang black na zippered pouch.