Advertisers

Advertisers

Turismo sa Tingloy!

0 580

Advertisers

MAY apat na taon ding nawala sa aking poder ang isa sa aking pinagkakatiwalaang tauhan, ngunit sa kanyang pagbabalik sa aking gamefowl farm ay taglay nito ang samu’t-saring karanasan na ibinahagi sa SIKRETA.

Sariwa pa sa aking alaala nang unang dumating sa aking farm si Ronnel, 18 anyos pa lang ito at inerekomenda ng isa niyang tiyuhin para manilbihan bilang helper sa aking farm sa Batangas.

Dahil sa kahirapan ng buhay sa Tingloy ay napilitan itong umalis sa kanilang bayan para makatulong sa kanyang may mga edad na mga magulang.



Mabilis naman itong natuto sa tamang pag-aalaga ng mga fighting cock kaya sa loob lamang ng mahigit sa isang taon ay naging isa na itong ganap na handler ng mga sasabunging manok.

Halos ay may limang taon din si Ronnel na nagtrabaho sa farm. Ngunit sa pagbabakasakaling umasenso, ay hindi ko sya pinigilan nang ito ay magpaalam noong 2016 upang bumalik sa kanyang sinilangang barangay.

Nahikayat itong umuwi sa Tingloy sa pag-aakalang totoong palalaguin ng mga pulitiko ang turismo sa bayan ng Tingloy.

Ngunit sa dinadami ng naipanukalang batas ni 2nd District Representative Rani Abu ay kahit isa ay wala itong naitulong sa development ng turismo sa bayan ng Tingloy, ayon pa kay Ronnel.

Bakit nga ba Congressman Abu sir?



Kaya kapit man sa patalim ay pumasok si Ronnel bilang tripulante sa isang fishing boat na namamalakaya ng isda sa West Philppine Sea (WPS).

Masagana ang kanilang huli noong 2016, ngunit napakalimit namang silang abusuhin ng mga walanghiyang sundalo na Intsik.

Samu’t saring panganib ang naranasan ni Ronnel para maghanapbuhay tulad ng pakikipaglaro nito kay kamatayan laban sa mga mapanupil na Intsik sa loob mismo ng teritoryo natin sa West Philippine Sea.

Kasama ang may 60 pang mga kasamahang tauhan ng fishing boat na nakabase din sa Tingloy ay naranasan din nila na paputukan ng baril ng mga Chinese navy sa karagatan ng Spratley Island kung saan ay lakas loob din silang nangisda.

Nagawang imaniobra naman ng kanilang boat captain ang kanilang fishing boat sa mababaw na bahagi ng isla kaya di na nakahabol sa kanila ang mga barko ng mga sundalong Intsik.

Ang harassment na ginawa sa kanila ng mga Intsik ay hindi na naiparating ng kanilang kapitan at ng fishing boat management sa mga awtoridad sa Pilipinas.

Sa bayan ng Tingloy ibinabagsak ng bangka nina Ronnel ang mga nahuhuling isda sa West Philippine Sea at itinatakbo naman ang mga ito ng mga mamamakyaw para ibenta sa mga turista sa bayan ng Mabini.

“Kailangan pang sa bayan ng Mabini ibenta ang mga nahuhuling isda mula sa WPS pagkat wala naman gaanong turistang nagtutungo sa aming bayan, wala pong ginawang kabutihan ang mga halal na pulitiko para iangat ang turismo sa aming bayan”, ang may halong hinanakit na pagsasalaysay ni Ronnel.

Habang nag-iintay naman sa pangako sa kanila ni 2nd District Congressional Candidate Gerville “Jinky-Bitrics” Luistro na isusulong nito ang turismo sa Tingloy ay muling bumalik sa ating poder si Ronnel.

“Kapag naging realidad na ang hangad ng abogadang kandidato ( Jinky-Bitrics Luistro) na maging sentro ng turismo ang mga bayan sa Batangas 2nd Congressional district, lalo na ang bayan ng Tingloy ay babalik po ako sa amin para ituloy ang pangingisda at maghahatid ng turista sa pamamagitan ng aking motor banca patungong Tingloy at Mabini”, ani Ronnel.

Bilang isang kongresista ay plano ni Luistro na maipagawa ang isang circumferential road sa naturang bayan na pakikinabangan ng mahigit sa 20,000 residente sa 15 barangay ng Tingloy.

Ang naturang bayan ay isang 5th class municipality, kaya kailangang masusi itong tutukan ng mga halal na pulitiko para maiangat ang kabuhayan.

Kasama sa mga mabibiyayaan ng tourism industry kapag naupo sa kamara si Luistro ay ang mga mamamayan ng mga munisipalidad ng Mabini, San Luis, San Pascual, San Luis at Bauan.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.