Advertisers
MISTULANG ipinagwawasiwasan ng mga alon sa dagat ang hustisyang hinahangad ng mga namatay at nakaligtas sa mga pasaherong lulan sa lumubog na barkong naglayag sa kasagsagan ng bagyo noong June 21, 2008 sa karagatang sakop ng ROMBLON.
Nagulantang na lamang ang mga bumubuo ng PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE (PAO) na pinangangasiwaan ni CHIEF PERSIDA ACOSTA nang matanggap nila noong November 23 ang kopya ng November 18, 2021 order ni REGIONAL TRIAL COURT MANILA, BRANCH 54 PRESIDING JUDGE MARIA PAZ REYES-YSON hinggil sa pagpapawalang sala nito sa akusadong opisyal ng SULPICIO LINES Inc na si EDGAR GO sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide, Physical Injuries and Damage to Properties.
Sa nasabing order ay ipinunto ng hukuman na hindi umano napatunayan ng prosekusyon na si GO ay responsableng opisyal ng SULPICIO LINES, na bagamat siya ay opisyal ng SULPICIO LINES ay wala umanong ebidensiya na magsasabi sa espisipikong katungkulan nito sa paglalayag ng barko.., bagay na malaking QUESTION MARK sa isipan ng mga complainant lalo na sa PAO, sa kung anong MAHIKA ang nangyari sa nasabing kaso.
Sa isinagawang press conference ng PAO nitong Huwebes ay naihayag ni CHIEF ATTY. ACOSTA na wala man lamang umanong hearing o virtual hearing ang naisagawa.., pero, nagkaroon na ng paghatol at pinawalang sala ang opisyal ng SULPICIO LINES.., e hindi masisisi ang pami-pamilya ng mga nasawi sa paglubog ng barko na mag-isip kung MAGKANO ANG NAGING PAGPAPAWALANG SALA?
Mga ka-ARYA, ang CRIMINAL CASE laban sa SULPICIO LINES ay hindi po ang PAO ang tumulong sa mga COMPLAINANT at sa paglilinaw ni CHIEF ATTY. ACOSTA ay ang STATE PROSECUTOR PANEL ng DEPARTMENT OF JUSTICE ang nangasiwa sa naging paghahain ng kaso; ang kaso nga lang ay natalo.., MAGKANO este anong MAGIC ang nangyari, na ikinokondena ng mga COMPLAINANT dahil ni isa sa kanila ay wala man lang umanong ipinatawag sa korte at bigla SURPRISED ACQUITTAL na ang kaso?
Bunsod nito, ang pamilya ng mga biktima sa lumubog na M/V PRINCESS OF THE STARS na pag-aari ng SULPICIO LINES ay maghahain ng MOTION FOR RECONSIDERATION laban sa nasabing ORDER at hilingin sa hukuman na pag-aralan muli ang naging desisyon.
Ipinunto ng PAO na napatunayan ng prosekusyon sa mga ebidensiyang naipresenta na si GO bilang First Vice President for Administration at Head ng Crisis Management Committee ay mayroon itong kapangyarihan, awtoridad at obligasyon para magdesisyon sa mga bagay na paglalayag ng M/V PRINCESS OF THE STARS.
May naging pag-amin din si GO sa CLARIFICATORY HEARING na siya ang direktang nangangasiwa sa vessel operation ng SULPICIO LINES…., na bukod dito, ang.mga CIVIL CASE na inihain ng mga kaanak ay nanalo ang mga ito dahil parehong ipinunto ng RTC MANILA BRANCH 54 at RTC CEBU BRANCH 16 na may kapabayaan ang SULPICIO sa paglubog ng barkong M/V PRINCESS OF THE STARS.
Gayunman.., mauudlot pa ring makamit ng mga biktima ang hutisyang kanilang hangad, dahil ang mga abogadong tagadepensa ng SULPICIO LINES ay gagawin ang lahat ng pamamaraan na mabinbin. Kaya naman, maghahain ng mosyon ang SULPICIO LINES sa COURT OF APPEALS at hanggang sa SUPREME COURT ay aapela ang mga ito upang malusutan ang kinakaharap nilang kaso.., ika nga, ipagwawasiwasan ang kaso tulad sa mga alon ng dagat na dapat ay lalong maging matatag ang mga COMPLAINANT sa pagsagupa laban sa mga nagsisilbing balakid na makamit ang ganap na hustisya.
Ang sistema sa ating HUDIKATURA na inaabot ng mga dekadang taon ang labanan sa KORTE ang isa sa dapat na masolusyunan ng mga mambabatas, na mapabilis ang lahat ng mga paglilitis. Mapanagot ang dapat maparusahan at ang walang kinalaman ay mapawalang-sala.., lalo na sa mga CONTROVERSIAL CASE ay nangamatay na ang mga naghahangad ng hustisya tulad sa DENGVAXIA CASE ay hindi pa rin mapabilis ang mga paglilitis.., dahil mismong mga abogado ay hindi sinusunod ang naging pasya o kautusan ng SUPREME COURT!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.