Advertisers

Advertisers

Barbie vs AJ, may salpukan dahil kay Diego; Liza ‘di alam ng manager na may portrait sa hallway ng Dos

0 275

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

TAONG 2019 nang i-update ang mga portrait o picture ng mga Kapamilya star. Luma na kasi kaya pinagpapalitan.

Kasama naman ang picture ng hottest loveteam na sina Liza Soberano at Enrique Gil.



Kahilera ng picture ng LizQuen ang mga sikat ding loveteam gaya ng KathNiel, JaDine at MayWard.

Nagtaka kasi ang netizens sa kuda ni Ogie Diaz manager ni Liza, sa kanyang vlog na wala pa raw itong picture.

Kaya na-question naman ng netizens ang pagiging manager nito kay Liza.

At paano nga raw ito naging manager eh di alam ang ganap sa alaga. Pinagdiinan pa ng netizens na matagal na nga raw may picture ang LizQuen at magkakatabi pa nga raw ang mga larawan ng iba pang loveteam na alaga ng Kapamilya network na KathNiel, JaDine at MayWard.

Kinontra ng netizens ang kinuda sa vlog ng manager na wala pang picture si Liza sa hallway ng Dos.



Nag-viral naman ang post video ni Kim Chiu habang may dalawang lalake na nagtatanggal ng portrait ni Bea Alonzo.

***

DAHIL sa blind items ay may salpukang namamagitan kina Barbie Imperial at AJ Raval.

May mga naglabasan kasing tsika na tila nali-link si AJ kay Diego Loyzaga na bf ni Barbie.

Pero mismong ang dyowa ni Diego ang  nagsabi at pinabulaanan na dumalaw ito sa Pampanga para kay AJ.

Ang larawan nga raw na nagkalat sa socmed na magkasama sina AJ at Diego ay kuha raw sa isang project na magkasama ang dalawa.

Nagtataka naman ang kampo ni Barbie kung bakit ayaw magsalita ni AJ tungkol sa bf ni Barbie.

At bakit nga raw hinahayaan nitong manahimik at ayaw pabulaanan ang bintang.

Napag-alaman na magkaibigan pala si AJ at ang gumawa ng blind items.

Kaya naman naalala pa ni Barbie na beybing beybi daw si AJ sa grupo nila dahil kaibigan nga raw nila si Axel Torres na dyowa dati ni AJ.

Ang hinihintay lang ni Barbie ay basagin na ni AJ ang kanyang katahimikan kungdi nga raw siya kabit.

Naamoy naman ng netizens na tila gimik lang ang pagkaka-link nina AJ at Diego para pag-usapan.

Hmmmp!? Well, well, well…’Yun na!