Advertisers

Advertisers

4 minero na natabunan ng gumuhong tunnel patay na nang ma-rescue

0 247

Advertisers

NALIBING ng buhay ang apat na minero nang matabunan ng gumuhong tunnel sa gitna ng kanilang treasure hunting sa Davao del Norte.
Kinilala ang mga nasawi na sina Kayl Castaneres, 18; Gerick Marquez, 23; Dindo Panares, 18; at Rustom Rancho, 18, pawang residente ng Kapalong, Davao del Norte.
Sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) ng Sto. Tomas, Davao del Norte, Agosto 31, nang pumasok ang mga biktima sa tunnel sa Purok 1, Brgy Kinamayan ng naturang bayan.
Kinabukasan, nag-alala ang pamilya ng mga biktima dahil hindi pa nakauuwi ang mga ito kaya humingi na sila ng tulong sa mga awtoridad.
Bandang 6:00 ng gabi nagsagawa ng retrieval operation ang rescuers para maisalba ang mga biktima, subali’t naging pahirapan ang pag-rescue sa mga ito. Makalipas ang ilang oras, nailabas ang mga biktima subali’t wala nang buhay.
Sinasabing namatay sa suffocation sa gumuhong tunnel ang mga biktima.
Nabatid na naglabas ng abiso ang pamahalaang lokal na bawal ang pagpasok sa tunnel simula pa noong Abril dahil mapanganib.(PTF team)