Advertisers

Advertisers

Dahil ama na… McCoy game na sa mature roles

0 462

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BLESSING na maituturing ni McCoy de Leon ang pagdating ng kanyang mag-inang  Elisse Joson at baby Feliz sa kanyang buhay.

Kaya naman noong isapubliko nila ng love team partner ang tungkol sa kanilang lovechild, wala raw siyang naging regrets.



Aniya, kakaibang fulfillment daw ang nararamdaman niya na ngayon bilang isang ama.

“Masayang-masaya ako sa buhay ko ngayon. Learning point ko siya. Nagkaroon ng bagong direksyon ang buhay ko. Hindi ko ma-explain in words. Pero ang saya palang magkaroon ng anak lalo na ng pamilya,” ani McCoy.

Binago rin daw ng pagiging ama niya ang kanyang pananaw sa buhay.

“Lalo kong gustong magpursige sa buhay ngayon, hindi lang para sa sarili ko. Hindi lang para sa pamilya at kapatid ko dahil meron na rin akong sariling pamilyang bubuhayin kaya nga sabi ko, dodoblehin ko ang pagtratrabaho ko ngayon. Mas inspired ako at happy sa mga gagawin ko,” paliwanag niya.

Sa kanyang bagong estado, hindi rin daw siya worried sa love team nila ni Elisse dahil naroon pa rin naman ang mga sumusuporta sa kanila.



“Hindi naman namin naisip iyon. Naisip namin sa sarili namin iyong aming relasyon. Kung paano mas pagtitibayin namin ang aming sarili. Bonus na lang noong maraming natuwa nang ilabas namin si Baby Feliz. Pero awa ng Diyos, ang daming blessing na nangyari,”aniya.

“Noong una takot ako na kinakabahan na masaya. Halu-halo. Kasi hindi ko alam kung anong masasabi ng ibang tao pag nilabas namin siya, lalo pag may sinabing hindi maganda sa anak ko. Parang hindi ko kaya o kakayanin. Pero sa awa ng Diyos, sobrang opposite ang nangyari. Ang daming natuwa, ang daming blessing na nangyari. Kaya, nasa right path ang buhay namin ni Elisse,” dugtong niya.

Hindi rin daw siya nangangamba na mabawasan ang popularidad niya ngayong may sarili siyang pamilya.

“Masasabi ko lang siguro, ginagawa ko naman ang isang trabaho dahil gusto ko siya. Sining ang pag-arte sa akin. Passion ko siya. Iyong ‘sikat’ naman, nandiyan lang iyan. Tulad dati, sinabi kong gusto kong makapagtapos. Kumbaga iyong ‘sikat’, last priority ko lang iyon,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni McCoy, handa rin daw siya sa pagtanggap ng mature roles dahil bahagi iyon ng pag-evolve niya bilang artista.

Tungkol naman sa napabalitang tampuhan sa pagitan nila ng nanay ni Elisse, hindi naman ikinaila ito ng aktor.

Aniya, umaasa naman daw siyang mahihilot  ito lalo pa’t meron na silang supling ni Elisse.

Si McCoy ay gumaganap bilang binatang Scott Domagoso sa talambuhay ni Manila City Mayor Isko Moreno sa “Yorme: The Musical.”

Kasama rin sa pelikula sina Raikko Mateo bilang batang Isko at Xian Lim bilang present day Isko.

May special participation din ang co-alumni ng Isko sa That’s Entertainment sa filmbio ng tinaguriang Cinderella Man of Tondo tulad nina Janno Gibbs (as Kuya Germs), Jestoni Alarcon  (Daddy Wowie, manager ni Isko), Tina Paner at Monching Gutierrez (Isko’s parents) at marami pang iba.

Yorme is produced by Saranggola Media Productions, directed by Joven Tan and distributed by Viva Films.