Advertisers
TODO pakita ng pagsisipsip ni Kalusugan Partylist Representative Mike Defensor kay Pangulong Rody Duterte.
Iminungkahi ni Defensor sa Kamara na pagkalooban ng “emergency power” si Duterte para maayos ang “pandem-ya ng korapsyon” sa PhilHealth.
Kailangan pa ng pangulo ng panibagong kapangyarihan para lang pagsisipain ang mga kulimbat sa state-run insurer? Eh ang kailangan lang gawin diyan sa PhilHealth ay tanggalin ang mga opisyal na natumbok sa imbestigasyon ng Kongreso, Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at Department of Justice na nagmamaneobra sa pondo ng ahensiya.
Oo! Ano pa bang kapangyarihan ang kailangan ng Pangulo e nasa kanya na ang lahat ng “power” para tugisin ang mga magnanakaw sa gobierno na mga itinalaga nya rin pagkaupo niya noong 2016.
Kung sa bawat problema ng gobierno ay “emergency power” para Presidente ang kailangan, that means ang presidente ang may problema. Tsk tsk tsk…
***
Ang magandang gawin ngayon ni Presidente Duterte ay huwag gawing “joke” ang sinabi niya kamakailan na uubusin niya ang huling dalawang taon ng kanyang termino sa pag-prosecute sa mga korap sa PhilHealth at sa iba pang ahensiya ng gobierno.
Dahil sa totoo lang, sa dami nang isyu ng korapsyon laban sa mga itinalaga niya sa gobierno ay wala pang nakukulong, tinatanggal nya lang at inililipat sa ibang puwesto.
Dito sa rekomendasyon ng Senado na kasuhan ng kri-minal sina Health Secretary Francisco Duque at nagbitiw na pangulo ng PhilHealth na si Ricardo Morales, kung hindi nagbibiro si Duterte sa kanyang tinurang ipakukulong nya ang mga korap, dapat suportahan niya ang Senado para ma-prosecute sina Duque at Morales.
Tigilan narin dapat ni Pangulong Duterte ng pag-anunsyo na malaki parin ang tiwala niya kina Duque, Morales ang iba pang itinalaga niya sa puwesto na mga naaakusahan ng pangungulimbat sa kaban ng bayan dahil wala nang naniniwala pa rito. Mismo!
***
Ngayong bago na ang presidente ng PhilHealth sa katauhan ni retired NBI Director Dante Gierran, umaasa ta-yong mga miembro na malinis na sa korapsyon ang ahensiya na nasa stage na ng pagkabangkarote.
Si Gierran ay isang CPA lawyer, meaning magaling siya sa mga numero at imbestigasyon. Sa panahon niya sa NBI, hindi siya naisyuhan ng anumang katiwalian.
Tapat sa tungkulin at kanyang sarili si Gierran. Inamin niyang wala siyang alam tungkol sa health, pero ang kai-langan sa PhilHealth ay taong hindi masisilaw sa bilyon bilyong pisong pondo (taxpayers money) ng ahensiya.
So, Atty. Gierran, Sir!, ang bola ng PhilHealth ay nasa mga kamay mo na. All eyes on you. Wala na sana tayong mabalitaan na may daang milyong piso na pinambayad lang sa pagtanggal ng ingrown.
Bantayan!
***
Laganap na naman ang droga. Hindi na libo ang pinag-uusapan ngayon kundi milyon at bilyong piso na.
Dito karin magtataka kung paano nakapapasok sa bansa, nakalulusot sa Customs ang mga kontrabando gayung kumpleto na sa gamit ang Customs para ma-detect ang mga iligal na droga. Tsk tsk tsk…