Advertisers

Advertisers

NBA: Celtics 2-0 na vs Raptors

0 237

Advertisers

NANGANGANIB ngayon ang defending champion na Toronto Raptors matapos malasap ang ikalawang kabiguan sa kamay ng Boston Celtics sa best-of-seven series sa NBA semifinals.
Nagsanib ng pwersa sina Jason Tatum na may 34 points at Marcus Smart na nagpakita naman ng 19 points upang muling pahi-yain ang Raptors sa score na 102-99, kahapon sa Lake Buena Vista, Florida.
Ang Game 3 ay gagawin sa Biyernes.
Bago ito hawak din ng Boston ang 3-0 sa NBA restart bubble at may 5-1 record pa ngayong season laban sa Raptors.
Umeksena ng husto si Smart gamit ang 16 points sa loob ng tatlong minuto sa unang bahagi ng fourth.
Umabot pa sa limang 3-pointer ang naipasok ni Smart.
Maging si Kemba Walker ay hindi rin nagpahuli sa kanyang 11 points para sa kabu-uang 17 puntos.
Sa panig ng Toronto si OG Anunoby ay nakatipon ng 20 points at meron ding 19 mula kay Fred VanVleet.
Sina Serge Ibaka at Pascal Siakam ay nag-ambag ng tig-17 points habang si Kyle Lowry ay nagtapos ng 16 points para sa Toronto.