Advertisers

Advertisers

UST TIGERS, NAGKAKALASAN?

0 289

Advertisers

ISA-ISA na nga bang kumakalas sa pagkakabigkis ang UST GROWLING TIGERS bunsod ng isyu sa Sorsogon training bubble na iniimbestigahan ng INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF)?

Una naming naisulat na bayan ni Coach ALDIN AYO ang venue at tingin namin ay masidhi nga ang paghahabol niya na maihatid sa kampeonato ang team na ligwak sa dating record, lahat ng first-time handled team niya, nag-tsampyon, mula Sorsogon hanggang LETRAN at LA SALLE over a couple of years back. Last year, nadala ni AYO ang UNIVERSITY OF STO. TOMAS (UST) as top contender versus undefeated ATENEO kahit di nangyari sa first year ng paghawak nito, to think na young team sila at bago pa lang nagdi-jell.

Yun lang, allegedly, di pa allowed ang training na naganap sa Capuy, Sorsogon kaya nahaharap sila sa gusot at posibleng kaparusahan. Unang umalis sa team si CJ CANSINO aka ‘King Tiger’, sinundan nina BRENT PARAISO at IRA BATALLER na di pa kumpirmado ang bagong kampo as of writing. Fourth sa linya ng kalasan si RHENZ ABANDO na tinututukan ng COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN.



Inaabangan kung kakalas din sina SOULEMANE CHABI YO, SHERWIN CONCEPCION, at MARK NONOY na mga pambato rin nila sa UNIVERSITY ATHLETIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES (UAAP) finals last year versus ATENEO BLUE EAGLES. The way things are going, lalong nagiging elusive ang UST championship sa mga kamay ni AYO. As the saying there goes, “BILOG ANG BOLA”. So there!

ABUEVA, BAGAY SA RESTO BUSINESS

DATI naming narinig mula sa fans ni PBA stalwart CALVIN ABUEVA na mahusay at masarap magluto ang idol nila.

Everytime raw na bumibisita sila sa bahay nito sa Mandaluyong, ipinagluluto sila ng iba’t-ibang putahe.

Ngayong under suspension ang Pampanga cager at nasa off-game period ang PBA dahil sa pandemic, abala siya sa pag-ayuda sa frontliners at iba pang kapos sa pagkain. Siya mismo ang nagluluto ng meals sa food packs. Lalong nag-e-enjoy si ‘THE BEAST’ sa pagsama at pagre-repack ng foods sa PHOENIX camp para sa mga apektado ng pandemic. Malaking tulong daw ito para ma-realize niya ang pagkontrol sa emosyon na naging trigerring factor sa kinasangkutang troubles sa liga.



Feeling lang namin, bagay kay ABUEVA ang food o resto business. Ang ‘Lutong Kapampangan’ ay kilalang nanunuot sa sarap.

Noong simula ng suspension ni CALVIN, kinuha siya ng ex-handler na si Pampanga Governor DENNIS PINEDA para mag-train sa Pampanga sports clinic. Marami siyang kakayahan na masasandalan. Sana, magparami rin siya ng business, mas open sa discipline at responsibility. Safe yun, may suspension o wala. HAPPY READING!