Advertisers
Report ko lang po mga e-trike sa Divisoria grabe maningil, P40 kada isang tao hanggang Hermosa. Yung iba pa po walang lisensya. Sana maaksyunan po ito ni Yorme – Concerned vendor
(Editor: I-report nyo sa SMART sa City Hall ang mga trike driver na over maningil ng pamasahe para ma-impound ang kanyang sasakyan)
Hangal na lider
Sino ang magsasabing buhay ang demokrasya sa ating bayan? Kung mayroon man ay papaliit na espasyo. Bakit, di ba nang magrekomenda ng mga hakbang para maremedyuhan ang problema sa covid-19 si VP Leni ay minasama pa ni Pres. Duterte at sabihing panggagatong. Naku, ang layo ng sagot, at pangbubrusko lang. Masyadong takot na baka mabawasan ang papel nya sa pamumuno. At ano ba naman ang husay niya, kundi sa pagbabanta, pananakot, panghaharas, at paggiba sa political rival. Pawang istilong hitler na gustong-gusto ng mga tagahangang hangal at walang matinong isip. Sa demokrasya walang takutan. – Thinking citizen
Laganap na naman ang krimen sa Lawton, Manila
Report ko po para kay Yorme: Rampant na naman ang krimen sa Lawton sa mga pitas hikaw at agaw cellphone sa ibabaw ng flyover papuntang Sta. Cruz. Tumatakbo sila sa squatter area ng multimodal malapit sa Pasig river. Mga taga- Brgy. 759-A Lawton sila, ang lugar ng mga addict at pusher. – Concerned citizen
Paasang mga DSWD
Grabe po ang mga DSWD dito sa IMUS, CAVITE, ang daming pinaasa. Sa 2nd wave pinili talaga, yung mga may trabaho ang binigyan. Yung walang trabaho naghintay ng txt nila, pinaasa lang ng taga-DSWD. Sabi nyo ngayon sa barangay nalang nyo ibibigay yung master list, ba’t hanggang ngayon wala parin? Sa ibang barangay nabigyan na pero ang Anabu1-D marami pa ang hindi nakakakuha. Ano po ba ang nangyayari? Kung ibibigay po nyo, ibigay nyo na. Wag nyo nang pahirapan o paasahin ang mga tao (Kap Sherwin) ng Anabu 1-D. Sana tulungan nyo na lahat ng sinasakupan nyo makakuha ulit. – Umaasa ng SAP 2