Advertisers

Advertisers

ACTING DIRECTOR BUKING…, MGA RESIBO MULA SA GAY BAR!

0 654

Advertisers

Lalaking matikas ang pagkakakilala ng mga empleyado sa isang ahensiya ng gobyerno sa kanilang bagong ACTING DIRECTOR.., pero umugong ang bulungan mula sa kanilang accounting department dahil ang karamihan sa mga isinumite nitong resibo sa kaniyang mga pinagkagastusan ay mula sa isang GAY BAR.., napaisip tuloy ang mga tsikadora kung BADING nga ba si ACTING DIRECTOR?

Hinggil sa mga resibong isinumite ng ACTING DIRECTOR ay matinding pagpoproblema ngayon ang kinakaharap nito dahil maiimbyerna at mabibigo itong makuha ang kaniyang ambisyon na maging opisyal na DIRECTOR sa kaniyang ginagampanang ahensiya.., dahil ayaw itong bigyan ng CLEARANCE mula sa kanilang ACCOUNTING DEPARTMENT, FINANCE at HR DEPARTMENT.

Pero bukod diyan, ang pinakamatinding rason kung bakit mauunsiyami ang pangarap nitong maging DIRECTOR ay dahil noong ito ay ASSISTANT SECRETARY (ASEC) pa lamang ay siya ang nangasiwa sa proyektong mapaganda ang ginagawang programa ng isang LAW ENFORCEMENT AGENCY hinggil sa paglaban sa mga ilegalidad.., pero mukhang ito ang may ka-ilegalan dahil kuwestiyonable ang naging paggamit nito sa pondong inilaan para sa proyekto.



Mismong mga ka-opisina nito ay PINAGDUDAHAN siya o baka sadyang TAMANG DUDA ang mga ito sa proyektong pinagtuwangan ng kanilang ahensiya at sa isang LAW ENFORCEMENT AGENCY.., na ang naging budget ay P8 milyon para magamit sa kampanya, pagbibigay edukasyon sa mga mag-aaral at sa sambayanan upang maiwasan o malabanan ang mga ilegalidad sa lipunan. Yun nga lang, noong matapos ang proyekto nitong December 2019 ay kulang ang mga dokumentong magpapatunay sa mga pinagkagastusan tulad sa kawalan ng “minutes of meeting”, guest lists o listahan ng mga nagsidalo sa programa o event at iba pang mga dokumento.

Ang ilan sa mga ARYA BUBUYOG ay napagawi minsan sa ahensiya ni ACTING DIRECTOR ay napatigil saglit ang pagaspas ng pakpak ng mga bubuyog, dahil nangha-harass na si ACTING DIRECTOR sa kanilang mga DEPARTMENT HEAD dahil ayaw siyang bigyan ng clearance para sa pagiging opisyal niyang DIRECTOR.., kaya tinakot daw nito ang mga DEPARTMENT HEAD na kung hindi siya bibigyan ng CLEARANCE ay ipatatanggal sila kay PRES. RODRIGO DUTERTE sa kanilang.mga trabaho.., aba at ginamit na ang name ni PRES. DUTERTE.., malakas nga kaya ito kay PRES. DUTERTE? Iyan ang taas kilay na tanong ng ilang mga empleyado sa mga dumayong ARYA BUBUYOG.

Pero ilan sa mga empleyadang may CRUSH kay ACTING DIRECTOR e matagal na pala silang may TAMANG DUDA.., kasi nga naman kadalasan ay may kasama itong guwapo ring kelot at halos sa lahat nitong mga lakad ay iyon lagi ang kaniyang escort.., may bakla kaya sa 2 at sino ang bakla…, yung ACTING DIRECTOR o yung kaniyang ESCORT?

Lalong lumakas ang pagdududa sa katauhan ng ACTING DIRECTOR nang mistulang hanging sumingaw ang pinagtsitsismisang may DUGONG BERDE o SYOKE ito dahil ang mga isinumiteng resibo sa mga pinagkagastusan bilang bahagi ng dokumentong required ng COMMISSION ON AUDIT (COA) e halos galing lahat sa GAY BAR ang mga resibo nito.., aba at nanghahada kaya si ACTING DIRECTOR sa mga kukutikutitap na parausan para may malafang?

Saludo ang ARYA sa mga DEPARTMENT HEAD sa naging paninindigan nilang hindi mabibigyan ng CLEARANCE si ACTING DIRECTOR hangga’t hindi nito naiaayos ang kaniyang mga kaso.., hala marami bang anomalya ito? A, may matitindi pa raw na kaso itong kinakaharap na ayon sa mga ARYA BUBUYOG ay dadayo sila sa mga bangko at paliparan para makakuha raw ng mga dokumento sa naging sistema ni ASPIRING DIRECTOR dahil noong ASec pa lamang ito ay mahilig na raw sa pamamasyal kasama ang GUWAPONG ESCORT! Abangan natin mga ka-ARYA sa magiging report ng ating mga ARYA BUBUYOG.



***

PANUKALA NG PCUP KAY PRES. DUTERTE.. SUSPINDIHIN MUNA ANG DEMOLISYON!

Habang nasa ilalim ng STATE OF CALAMITY at STATE OF PUBLIC HEALTH EMERGENCY ang ating bansa na dulot ng COVID-19 PANDEMIC ay nagsumite ng resolusyon ang PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) sa TASK FORCE ON EMERGING INFECTIOUS DISEASES (IATF-EID) para hilingin kay PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na suspindehin muna ang mga ADMINISTRATIVE DEMOLITION AND EVICTION.

Maganda itong kahilingan ni PCUP CHAIRMAN ALVIN FELICIANO na mapahinto muna ang mga demolisyon ngayong panahon ng pandemya dahil kawawa naman ang mga maralitang magigibaan ng kanilang mga bahay.

Kamakailan ay nagkasunod-sunod ang mga demolisyong ilegal at kuwestiyonable…kaya naman gumawa agad ang PCUP ng resolusyon para maiwasan na ang mga ganoong pangyayari ngayong panahon ng COVID-19.

Sa pahayag ni COMMISSIONER MELVIN MITRA (may-akda ng resolusyon) ay nakasentro umano ang resolusyong ipinasa nila para sa pansamantalang pagpapatigil sa mga administratibong demolisyon at ebiksiyong nagaganap.

Kabilang sa mga bumoto ng pabor sa nasabing resolusyon ay sina COMMISSIONER NORMAN BALORO, COMMISSIONER RANDY HALASAN at COMMISSIONER ROMEO JANDUGAN.., na ang resolusyong ito ng PCUP ay pagsuporta sa inilabas ng DILG MEMORANDUM CIRCULAR No. 2020-068 na nagsasaad na ang mga ADMINISTRATIVE DEMOLITION ay pansamantalang pinahihinto habang nasa ilalim ng NATIONAL STATE OF HEALTH EMERGENCY ang ating bansa.

Iginiit ng KOMISYON sa isinumite nilang resolusyon na nakasalalay ang kalusugan ng mga magiging sangkot mula sa iba’t ibang ahensiya gaya ng DILG, DSWD CHR, LGU at mismong may-ari ng lupa.., dahil hindi ito makatutulong sa pagsupil sa COVID-19.

“Paano mag-stay at home kung nademolish o nagiba na ang kanilang bahay?” pahayag ni FELICIANO na umaasa itong diringgin ni PRES. DUTERTE ang isinumite nilang resolusyon para sa pagmamalasakit sa ating mga maralitang sektor.

Ipinunto ng PCUP na hindi dapat nalalabag ang karapatan ng mga URBAN POOR COMMUNITIES lalo na sa usaping demolisyon at ebiksiyon na ang nakasalalay ay ang tahanan ng isang pamilya ngayong panahon ng pandemya!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o mag-text sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.