Advertisers
BUONG kagalakan ang nadama ni actor/public servant/sportsman Gary (Estrada) Ejercito nang siya ay muling makatapak sa ballfield nitong nakaraang weekend sa Lipa City, Batangas.
Ang premyadong aktor, naging Board Member ng Quezon Provincial Government, ex-national baseball player at softball team owner na si Gary E ay muli ring nakasama ang mga manlalaro na matagal ding natengga sa ballgames. Kanya-kanyang pasiklab at pakitang gilas sa diamond ang mga ballplayers na mistulang mga tigreng nakawala sa pagkakakulong bunga ng pandemya.
Tampok sa kanilang friendly but competitive game ay ang humahaginit na homerun ni Gary na pinalakpakan ng lahat ng katunggali at spectators na patunay lang na hindi naging sagabal ang krisis -covid upang manatiling on top of physical condition lalo pa’t paraktisado siya sa kanyang makeshift diamond sa malawak niyang sular sa San Andres( naging praktisan ng kanyang team San Antonio,Quezon na palaging kampeon sa mga softball tournaments sa lalawigan at karatig bago ang pandemya) at Sto Niño ballfield sa Marikina City.
Dahil sa pagluwag na ng alert level ng IATF, asahan ang muling pagsigla ng mga torneo sa diamond na kanyang ioorganisa sa Metro Manila at karatig-lalawigan katuwang din ang Japanese national pero pusong Pinoy na si Keiji Katayama(2019 SEAGames champion Philippines’ assistant coach) ng Katayama Baseball Academy (KBA).
Sa unti-unting pagbabalik ng mga aktibidad sa larangan ng sports ay hinikayat ni Gary E na magbalik-aksiyon ang mga sports enthusiasts with observance of health protocol. “ Let’s play ball”, ani Ejercito.