Advertisers
KAHIT ano’ng oras at kahit saan ay nakahandang magpa-drug test si Senator at presidential aspirant Christopher “Bong” Go para tiyakin sa sambayanang Filipino na siya ay mentally at physically fit upang gampanan ang kanyang tungkulin kapag nahalal na pangulo ng bansa.
Sa panayam matapos bisitahin ang mga nasunugan sa Quezon City nitong Miyerkoles, sinabi ni GO na handa siyang sumailalim sa drug test pero sa komprehensibong paraan.
Idiniin ng senador na karapatan ng mga botante na malaman ang kondisyon ng isang kandidato na posibleng makaapekto sa kakayahan nito na magampanan ang kanyang papel sa panunungkulan.
“Walang problema sa akin. Anytime, kahit saan. Karapatan ng bawat Pilipino na malaman if you are fit to lead this country. Ayoko lang makipag-unahan sa kanila. Kung maaari ‘yung kumpletong drug test na talaga,” sabi ni Go.
“Maraming klaseng drug test—may ihi, may hair follicle. So, kung ano ‘yung pinakakumpleto para walang pagdududa sa atin… Aside from drug tests, kahit neuro test. Ang importante mapatunayan natin we are fit to lead this country,” patuloy ng senador.
Nilinaw, gayunman, ni Go na dapat ay boluntaryo at may paggalang sa karapatang legal ng isang kandidato ang drug test.
“Though hindi siya mandatory by law, ang importante ipakita natin sa publiko na wala silang maiiwang paghihinala.”
“Ayokong makipagsiraan sa kapwa ko kandidato dahil kandidato rin ako, ‘no? Mahirap namang sabihin ko ito ang gawin mo, ito ang gawin nila. Dapat ito’y kusa para mapatunayan natin sa publiko na fit tayong mamuno ng ating bansa,” paliwanag ng presidential candidate.
Kabilang sa ipagpapatuloy ni Go, kapag naging presidente ng bansa, ang krusada ng Duterte administration laban sa illegal drugs, kriminalidad at korapsyon.
Matatandaang naghain siya ng Senate Bill No. 399 noong 2019 na naglalayong higit na balansehin at mas malawak ang paglaban sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa bawat probinsiya.
“In fairness sa lahat ng kandidato, ayaw ko pong manira o magbigay ng pangalan, so patunayan na lang natin sa kanila (sa taumbayan). Kung hindi naman totoo, wala namang mapapatunayan then, tapos ‘yung usapan. Ang importante rito karapatan ng bawat Pilipino,” idiniin niya.
“Ako naman, no (never ako nag-drugs). Hindi rin ako mahilig uminom. Pero mayroon akong bisyo. Sabihin ko na lang sa inyo ngayon. Ang bisyo ko magserbisyo. Bata pa ako, bisyo ko na ang magserbisyo hanggang ngayon,” paniniyak ng senador.