Advertisers
INILABAS na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado nila sa iba’t ibang kategorya para sa darating na 43rd Gawad Urian.
Ang mga nominado para sa Best Actress category ay sina Alessandra de Rossi (Lucid), Kathryn Bernardo (Hello Love, Goodbye), Max Eigenmann (Verdict), Angie Ferro (Lola Igna), Jean Garcia (Watch Me Kill), Janine Gutierrez (Babae at Bari), Anita Linda (Circa), Bela Padila (Manianita)
Sue Prado (Alma-Ata) at Ruby Ruiz (Iska).
Kapansin-pansin na wala ang pangalan ni Judy Ann Santos sa mga nominado, to think na siya ang tinanghal na Best Actress last year sa 2019 Metro Manila Film Festival at sa Gawad Tanglaw para sa Mindanao.
At sa Cairo International Film Festival, wagi rin siya bilang Best Actress para rin sa nasabing pelikula. Sabagay, kanya-kanyang panlasa naman ang mga hurado ng iba’t ibang award-winning bodies.
Nagkataon na hindi pumasa sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang akting na ipinamalas ni Juday sa Mindanao.
***
SOBRANG masaya ngayon ang live-in partners na sina Andi Eigenmann at Philmar ngayong buntis na sa ikatlong anak ang aktres.
Sa mga IG post ni Andi, proud niyang ipinakita ang kanyang baby bump. Aninag sa mukha nito ang contentment at pure happiness ngayong muling madaragdagan ang kanilang pamilya.
Marami ang humahanga sa relasyong Andi at Philmar dahil sa pagiging simple ngunit masayang province-life ng dalawa. (Rommel Placente)