Advertisers

Advertisers

Diskwento para sa remittance fee ng mga OFW aprubado na

0 234

Advertisers

Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang tax provision ng House Bill 826 o “Overseas Filipino Workers Remittance Protection Act.”
Nilalayon ng panukala na limitahan ang charges at bigyan ng discount sa service fee ang mga overseas Filipino workers na nagpapadala ng remittances.
Ayon sa pangunahing may-akda ng panukala na si Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, imbes na buong maipadala ang remittance ay nagkakaroon pa ng dagdag na gastos dahil sa mataas na remittance charges ng mga financial at non-bank financial institutions.
“It becomes a matter of utmost urgency and necessity for Congress to enact a law that will adequately and effectively put a stop to the imposition of high remittance charges and safeguard the remittances sent by OFWs, which includes providing educational programs on how these OFWs can manage their finances,” paliwanag ni Gonzales.
Sa ilalim ng inaprubahang tax provision, bibigyan ng 50% na diskwento ang ipinapataw na service fee ng mga financial intermediaries at non-bank financial intermediaries sa money remittance ng OFW sa immediate family member ano man ang halaga ng padalang pera.
Ang mga financial intermediaries at non-bank financial intermediaries na magbibigay ng diskwento sa remittance fees ay maaaring maka-avail ng tax deduction sa kanilang gorss income na itututing bilang ordinary and necessary expenses.
Hindi hihigit sa P24,000 ang maaaring maging total deduction kada OFW kada taon ang maaaring ma-avail ng naturang intermediary. (Henry Padilla)