Advertisers
NAPATAY ng mga otoridad ang isang lider ng New People Army (NPA) sa operasyon ng mga otoridad sa Ilog, Negros Occidental.
Kinilalka ang napatay na rebelde na si Mitchel Fat alias “TM”, “EPI”, at “LAKAS”, Squad Leader, Squad 1, SYP Platoon, CN2, KR-NCBS, na kabilang sa mga ‘High Value Individual’ (HVI) ng Central Negros Front.
Ayon kay Lt Colonel Erwin Cariño, commanding officer ng 15th Infantry (Molave Warrior) Battalion, isinagawa ang operasyo ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya sa Kilometer 109, Brgy. Dancalan, Ilog.
Sa report, maghahain ng mga warrant of arrest na ipinalabas ng 7th RTC, Branch 75 ng Bais City, Negros Oriental ang mga otoridad matapos matukoy ang hide out ng suspek nang salubungin sila ng mga putok, dahilan para ratratin ito ng mga operatiba.
Si Fat ang pangunahin responsable sa brutal na pagpatay sa 4 na pulis sa Ayungon, Negros Oriental noong July 18, 2019.
(Mark Obleada)