Advertisers

Advertisers

Aeta inabuso at pinakain ng dumi ng militar sa Zambales?

0 255

Advertisers

MARIING itinanggi ng 7th Infantry Division ng Philippine Army ang alegasyong inabuso ng military personnel ang mga miyembro ng Aeta community sa San Marcelino, Zambales at pwersahang pinakain ng dumi ng tao.
Ayon kay 7ID Public Affairs Office chief, Major Amado Gutierrez, may naganap na engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at suspected members ng New People’s Army sa Sitio Lumibao, Barangay Buhawen noong August 21 kungsaan naaresto ang ilang rebelde kabilang na ang ilang menor de edad.
Sa palitan ng putok, nasawi ang isang sundalo.
Pero iginiit ni Gutierrez na hindi inabuso ang mga inarestong indibidwal at ‘di pwersahang pinakain ng dumi taliwas sa akusasyon ng ilang makakaliwang grupo.
Aniya, dinala pa ng militar ang suspected NPAs sa isang doktor at inalagaan.
Sa katunayan, nagsagawa pa sila ng imbestigasyon at natuklasang walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanila.
Sa isang hiwalay na statement, sinabi ng grupong Sandugo na sa petsang nabanggit, nasa 659 pamilya ang inilikas dahil sa paulit-ulit na pambobomba ng militar sa Aeta communities sa Sitio Lumibao para bigyang-daan ang mining explorations ng Dizon Copper-Silver Mines Inc. na tinututulan ng mga Aeta dahil masisira ang kalikasan at kanilang ancestral lands.
Pero iginiit ni Gutierrez na ‘di tinotolerate ng Philippine Army ang pangmamaltrato dahil may respeto ang mga sundalo sa human rights kahit na sa mga komunistang rebelde, at kung mapatunayang inabuso ng mga sundalo ang mga Aeta ay mananagtot ang mga ito.(PTF team)