Advertisers
PATAY ang isang pulis nang pagbabarilin Lunes ng gabi ng hindi pa nakikilalang salarin sa mismong gilid ng kaniyang bahay sa Rodriguez, Rizal.
Kinilala ang biktima na si Staff Sgt. Renato Grecia, nakadestino sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame.
Sa ulat, isang lalaking nakasuot ng jacket at shorts ang lumapit kay Grecia habang nasa gilid ito ng kaniyang bahay sa Barangay Burgos 10:00 ng gabi.
Agad tumakas ang gunman na sumakay sa isang nakaabang na motorsiklo.
Ayon sa ulat, mayroon din kasamahan ang salarin na nagsilbing lookout.
Nire-review na ng pulisya ang kuha ng mga surveillance camera sa barangay para makakuha ng ibang impormasyong makatutulong sa imbestigasyon.
Inaalam narin ang motibo sa pagpatay.(Edwin Moreno)